Roosevelt Avenue, papalitan ng FPJ Ave, aprub kay Mayor Joy
ni Lolet Abania | October 25, 2020

Nagpahayag ng suporta si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa panukala ni Senate President Vicente Sotto III upang palitan ang pangalan ng Roosevelt Avenue at isunod ito sa National Artist na si Fernando Poe, Jr.. “The Senate President’s suggestion to rename Roosevelt Avenue after the late Action King more popularly known as FPJ is a welcome development and a win-win solution for everyone concerned,” pahayag ni Belmonte.
Nauna rito, naghain si Sen. Lito Lapid ng panukala na baguhin ang pangalan ng Del Monte Avenue sa Quezon City at gawing Fernando Poe, Jr. ang nasabing lugar. Subali’t maraming grupo ang umalma sa usaping ito, kabilang ang isang simbahan sa lungsod.
Gayundin, ang National Historical Commission of the Philippines ay hindi pabor sa pagpalit ng pangalan ng lugar dahil sa mahalagang kasaysayan na naganap noon sa Del Monte Avenue. Kasunod nito, inihain ni Sotto ang panukalang i-rename ang Roosevelt Avenue sa pangalan ni Fernando Poe, Jr..
Ayon kay Sotto, napag-usapan na nila ni Lapid at ni Senate Committee on Public Works Chairperson Manny Pacquiao ang tungkol dito. Samantala, susuportahan ni Belmonte ang desisyon ng city council na ipasa ang isang resolusyon na hihimok sa House at sa Senado upang palitan ang pangalan ng Roosevelt Avenue.
“It is but right and proper to honor the late Fernando Poe Junior for his invaluable contribution to the city and our culture. At the same time, we also recognize the historical and religious significance of the area,” sabi ni Belmonte.





Comments