top of page

Ronaldo, may new record sa World Cup, Neymar, injured

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 26, 2022
  • 2 min read

ni MC - @Sports | November 26, 2022



ree

Nakuha ni Cristiano Ronaldo ang karangalan upang maging unang manlalaro na nakapuntos sa limang World Cup matapos simulan ang pagpuntos sa laban ng Portugal kontra Ghana.


Naitala ng 37-anyos ang record sa bisa ng penalty sa ika-65 minuto sa 974 Stadium sa Doha para ibigay sa Portugal ang pangunguna sa sagupaan ng Group H kontra Black Stars. Nabura niya ang record nina Pele at Germans Uwe Seeler at Miroslav Klose, na lahat ay nakapuntos sa apat na World Cup.


Pinalawig din ni Ronaldo ang sariling world record tally sa international goal na 118.


Nakuha niya ang record sa spot-kick nang siya ay pabagsakin ni Mohammed Salisu.


Inanunsiyo ng Manchester United nitong linggo na inalis na sa koponan si Ronaldo dahil sa pagpuna sa club at manager Erik ten Hag sa isang panayam sa TV at hindi niya ito pinagsisihan mula sa mapait na pagtatapos sa koponan at ipinakita ang husay sa paglalaro.


Samantala, umiskor si Richarlison ng dalawang beses nang talunin ng tournament favorites Brazil ang Serbia, 2-0 sa World Cup opener pero nanalo man ay tinamaan ng ankle injury si captain Neymar.


Ilang ulit nagmintis ang record five-time winners sa first half pero umibayo matapos ang break sa Lusail Stadium nang ipasa ni Tottenham Hotspur kay striker Richarlison ang bola at makaiskor sa opener sa ika-62nd minute si Vinicius Junior.


Ang iba pang resulta sa opening round ng matches sa Qatar kung saan nakakagulat na tinalo ng Saudia Arabia ang Argentina habang ang Germany ay natalo sa Japan.


Kilalang maingat ang Brazil kapag ang Serbia na ang kasagupa at baka mabigla ang kanilang team sa pagbabalik nila sa final sa Dis. 18.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page