top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Romualdez, buking na ‘nagsasakit-sakitan’, swak sa kulungan

Writer: BULGAR
BULGAR
26 minutes ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 15, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


SIGURADONG ABSUWELTO SI VP SARA SA IMPEACHMENT KAPAG 'YUNG SINABI NI EX-CJ DAVIDE NA '16 VOTES' TO CONVICT ANG SUSUNDIN — Viral ngayon sa social media ang statement noon ni former Supreme Court (SC) Chief Justice Hilario Davide na ang sinumang impeachable officer na nahaharap sa impeachment ay kailangan ang 16 boto ng mga senator-judges para sa conviction ng ini-impeach.


Parang sinabi ni Davide na hindi puwede 'yung nais ng majority senators-judges na ibaba sa 16 ang boto para sa conviction ni Vice President Sara Duterte, at kung ang sinabing iyan ng dating Chief Justice ang susundin, ay siguradong absuwelto sa kasong impeachment ang Bise Presidente, period!


XXX


NABISTO NG SANDIGANBAYAN NA 'NAGSASAKIT-SAKITAN' LANG SI CONG. ROMUALDEZ KAYA IPINAKULONG NA AGAD SIYA SA CITY JAIL— Sa pagharap ni Dr. Gerardo Legaspi, director ng UP-Philippine General Hospital (PGH) na maayos ang kalusugan ni Leyte 1st Dist. Rep., former Speaker Martin Romualdez na nahaharap sa kasong plunder at hindi raw nito kailangang ma-confine sa ospital.


Dahil sa sinabi ni Dr. Legaspi ay nabisto tuloy ng Sandiganbayan na "nagsasakit-sakitan" lang si Cong. Romualdez, at dahil diyan ay iniutos nito (Sandiganbayan) sa Bureau of Jail, Management and Penology (BJMP) na alisin na ang kongresista sa PGH at ikulong na sa city jail, boom!


XXX


DAPAT TUTUKAN NG BJMP SINA CONG. ROMUALDEZ AT SEN. MARCOLETA KASI BAKA MAGBABAG KAPAG NAGKASALUBONG SA LOOB NG CITY JAIL — Ngayong nasa city jail na si Cong. Romualdez, ay hindi maiiwasang magkita sila ng detenido rin na si Sen. Rodante Marcoleta.


Naku, dapat tutukan ng BJMP ang dalawang iyan kasi magkalaban sila sa pulitika at baka kapag nagkita at walang nakabantay na guwardiya ay baka magbabag sila sa loob ng city jail.


Hindi joke iyan, dahil pareho silang nakakulong sa city jail at parehong mainit ang kanilang ulo at posible talagang magbabag sila kapag nagkasalubong sila sa loob ng city jail, period!


XXX


MAYOR MAGALONG, ISA SIYA SA CONVENOR NG 'MAYORS FOR GOOD GOVERNANCE' PERO WALANG AKSYON SA SANGKATUTAK NA MGA MANGRARAKET SA BAGUIO CITY — Parami nang parami ang mga drop balls at color games operators na nangraraket sa mga residente sa Baguio City.


Mantakin n'yo, isa si Mayor Benjamin Magalong sa convenor ng "Mayors for Good Governance," tapos tila wala siyang aksyon sa sangkatutak na nangraraket sa mga residente ng lungsod na ito, pwe!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page