top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

ROMNICK, WAGING BEST ACTOR AFTER 46 YRS. SA SHOWBIZ

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 13, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 13, 2023




Truly deserving daw si Romnick Sarmenta sa kanyang pagkapanalo bilang Best Actor sa ginanap na First Summer MMFF 2023 Awards Night.


Ang mahusay niyang pagganap bilang gay professor sa pelikulang About Us But Not About Us ang nagbigay-daan upang makamit niya ang Best Actor award.


Si Romnick ang unanimous choice ng mga bumubuo sa MMFF Board of Jurors.


Natutuwa naman ang mga kaibigan ni Romnick na sa wakas ay kinilala na rin ang kanyang husay bilang aktor.


Sa loob ng 46 years na nasa showbiz si Romnick ay first time niyang nakatanggap ng acting award.


Nagsimula siya bilang child actor noon sa seryeng Gulong ng Palad.


Sa tagal ni Romnick sa showbiz ay nagampanan na niya ang iba't ibang klaseng roles.


Pero, sa About Us But Not About Us lang talaga siya napansin bilang gay professor at sinuwerteng manalo bilang Best Actor.


Inihandog ni Romnick sa kanyang mahal na inang si Julie Sarmenta at sa mga anak ang Best Actor award.


Nagpasalamat din siya sa lahat ng kanyang mga co-stars sa movie, sa kanyang director na si Jun Lana at sa producer ng About Us But Not About Us.


Well, halos hakutin nga ng nasabing pelikula ang lahat ng awards sa 1st Summer MMFF Gabi ng Parangal, sapagkat isang award lang ang hindi nila naiuwi sa 11 nominations nila.


Kaya ngayon pa lang ay marami na ang nagsasabing hahakot din ang nasabing pelikula ng mga susunod pang awards sa iba't ibang award-giving bodies.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page