top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

ROMNICK, TODO-PATUTSADA KINA GISELLE AT DIREK DARRYL

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 6, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | August 6, 2022



May tweet si Romnick Sarmenta na feeling namin, patungkol kay Giselle Sanchez dahil sa pahayag ng aktres na tinanggap niya at ginampanan ang karakter ni President Cory Aquino sa Maid in Malacañang dahil sa art.


May mga nag-react na rito na taga-showbiz at isa na nga si Romnick. Kakampink at supporter ng mga Marcos ang mga nag-react sa comment ni Romnick. Kayo, ano ang magiging reaction n'yo?


“Magko-comment sana ako, pero sayang ang oras, titik at pananalita sa mga taong ginagawang excuse ang art, at binabago ang katotohanan sa pamamagitan ng sining.


Kasingsayang ng oras na binuo ninyo ‘yung pinagkaperahan ninyo. Eh, di magalit kayo. Nagsasabi lang ako nang totoo.”


Nang muli naming basahin ang tweet ni Romnick, pati pala si Director Darryl Yap at ang Viva Films ay kasama sa kanyang pinatutsadahan.


Hintayin natin ang sagot dito ni Direk Darryl na busy sa pagsagot sa mga nagalit at umaaway sa kanya.


Samantala, nagdagdag ng 21 more cinemas para sa controversial movie na sa two days showing, kumita na ng P41M. Ang second day gross ng movie ay P20M na ikinatuwa ng anti-Marcos dahil nabawasan daw ng P1M ang first day gross nito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page