top of page
Search
  • BULGAR

ROMNICK AT HARLENE, TOGETHER AGAIN SA DEBUT NG ANAK

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 6, 2023




Shining, shimmering, splendid ang dalagang anak nina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta na si Bo Bautista sa kanyang bonggang debut party na ginanap sa Sofitel Hotel last Nov. 30.


Ang nasabing party ay dinaluhan ng kanyang mga kaibigan, relatives at siyempre, ang kanyang buong pamilya sa pangunguna ng kanyang mga magulang.


Masayang-masaya si Bo na kahit may kani-kanya nang buhay ang kanyang mom and dad ay nagsama ang dalawa sa napakahalagang okasyon na ito ng kanyang buhay.


Okay na okay naman daw ang setup ng magulang niya at anytime ay puwede niyang makita ang kanyang ama kahit may sarili na itong pamilya.


When asked kung ano ang kanyang birthday wish, aniya, “Sana po, masaya ang lahat ng taong minamahal ko and sana, tumangkad pa ‘ko,” sabay-tawa.


Ngayong 18 na siya ay natanong siya kung allowed na ba siyang magkaroon ng boyfriend o magpaligaw.


“Puwede naman po, kaso hindi naman ‘yun priority sa ‘kin ngayon,” sey niya.


Anu-ano naman ang gusto niyang gawin ngayong 18 na siya?


“Siguro po, gusto ko pong makapag-travel by myself. Like, kahit Hong Kong lang,” aniya.


Samantala, pinasok na rin ni Bo ang showbiz dahil isa siya sa mga talents ng Star Center ng NET25 na ini-launch kamakailan.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page