top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Romeo, balik laro sa SMB, Thompson inaasahan ng Gins

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 28, 2021
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | September 28, 2021




Bahagyang mababawasan ang pag-aalala ng mga tagahanga at tagasubaybay ng mga paboritong koponan na San Miguel Beermen sa pagbabalik ni Terrence Romeo, habang umaasa ang defending champion Barangay Ginebra na makakabalik na sa laro si Scottie Thompson sa quarterfinal round battle kontra top seed TNT Tropang Giga.


Matapos ang pagbabalik at pagtikada ng game-winning shot ni Alex Cabagnot kontra sa Northport Batang Pier nitong linggo ng gabi, na nakabalik matapos ang mahabang pagpapahinga dulot ng tinamong injury, binunyag ni SMB coach Leo Austria na may posibilidad na makapaglaro ng muli ang 2013 UAAP MVP at 2-time PBA champion na si Romeo sa Games 2.


Inamin ng 8-time PBA champion coach at 3-time PBA coach of the year na kasalakuyan ng nasa quarantine sa kanilang hotel ang 29-anyos na shooting guard matapos makabalik nitong Sabado kasunod ng injury check-up ng lumabas ito ng semi-bubble dahil sa nasaktan ito noong huling laro niya kontra sa Phoenix Super LPG sa Don Honorio Ventura State University gymnasium sa Bacolor, Pampanga.


“He is under quarantine na lang to follow the health and safety protocols and hopefully by next game makalaro na siya,” wika ni Austria matapos ang dibdibang 88-87 panalo sa Batang Pier.


Matapos mailagay sa injury lists kapalit si veteran sniper Jeff Chan, umaasa ng malaki si 23-time champion at 2-time grand slam coach Tim Cone ng Gin Kings na makapaglalaro na ang 28-anyos na dating 2012 NCAA MVP na si Thompson na nailagay sa health and safety protocols ng liga.


Hiniling ni Cone na makabalik na ang do-it-all guard mula Perpetual Help Dalta sa Martes o Miyerkules para sa do-or-die match ng Gin Kings sa ka-finalist sa PBA Bubble na Tropang Giga na may hawak ng twice-to-beat advantage matapos mag-No.1 sa eliminasyon dahil sa 10-1 kartada.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page