Rolls-Royce ng mga Discaya, nasubasta ng P29M
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
by BRT @News | February 12, 2026
Photo: Bureau of Customs / Senate of the Philippines
Naibenta na ang kontrobersyal na Rolls-Royce Cullinan (2013) na dating pagmamay-ari ng mga Discaya, na viral nang sabihin ng kontratistang si Sarah Discaya na may kasama itong libreng payong.
Sa ikatlong pampublikong subasta ng Bureau of Customs (BOC) para sa mga nakumpiskang luxury vehicle, naibenta ang nasabing sasakyan sa Baguio theme park na Igorot Stone Kingdom Inc.
Ang sasakyan ay naibenta sa halagang P29,026,000.00, mula sa floor price nitong P29,025,132.58.
Sa isang panayam kasunod ng subasta, sinabi ni Igorot Stone Kingdom founder and CEO Pio Velasco sa mga reporter na, “the Igorot people want to preserve history,” at idinagdag na nais nilang iligtas ang sikat na sasakyan mula sa mga pagkondena kung hindi ito maibebenta pagkatapos ng dalawang magkasunod na pampublikong subasta.
Halagang P45.314 milyon ang floor price ng Rolls-Royce Cullinan (2013) nang unang isubasta noong Nobyembre 2025. Ibinaba ito sa P36.28 milyon sa pangalawang subasta noong Disyembre 2025, ngunit wala pa ring bumili.
Sinabi ni Velasco na maaaring magdesisyon ang Igorot Stone Kingdom Inc. kung idi-display ito para sa public viewing.














Comments