Role, sinalo ni Coco... ALJUR, PINAGTAWANAN NANG MAG-KAPAMPANGAN, NA-INSECURE, UMATRAS SA MOVIE
ni Beth Gelena @Bulgary Files | March 29, 2023

Kay Aljur Abrenica pala unang in-offer ang Apag movie bago napunta kay Coco Martin.
Tinanggihan umano ni Aljur ang offer ni Brillante Mendoza na siyang direktor ng movie.
Ang pelikula ay tungkol sa shared bonding ng isang pamilya na culinary experts sa pagluluto ng Kapampangan food.
Sa panayam sa direktor, sinabi niyang big challenge dapat ang movie kay Aljur because it is produced by the Hong Kong Film Fest and the Pinoy director was told to exclude the usual unwholesome theme in his movies.
Sambit pa niya, may director’s cut version ang movie para sa First Summer Metro Manila Film Festival.
Ang haba raw ng naging negosasyon niya sa team ni Aljur, ngunit wala pa rin daw nangyari sa kanilang usapan.
"Pero siguro, it’s not really meant sa kanya, ‘yung project," ani Direk Brillante.
Tumawag daw si Aljur para mag-backout just before the pullout.
"Hindi niya sinabi at all. Nawala lang siya," sabi pa ni direk.
Pagbabahagi ng direktor, 'natakot' umano si Aljur, ayon sa kanyang manager.
"Nu'ng nag-Kapampangan daw siya sa kanila, sabi nu'ng manager, pinagtawanan daw siya ng mga kapatid niya, pati na rin nu'ng tatay niya. ‘Yung parang… alam mo ‘yun? Hindi authentic. Siguro, na-insecure siya.”
Hindi raw in-expect ng direktor na magba-backout si Aljur, ganu'ng okey naman na raw ang lahat at mag-uumpisa na sana silang mag-shoot.

"Nu'ng araw na ‘yun, nagkausap kami ni Coco. Sabi ko, 'Ewan ko, may problema ako.'
"'Pag may problema siya sa set ng Probinsyano, tumatawag ‘yan.
"Ang sabi ko, 'May problema ako,' ganyan-ganyan! 'Si Aljur, nag-back out!'" sabi raw niya kay Coco.
Hindi naman na nagpatumpik-tumpik pa ang aktor at agad sinalo ang problema ng direktor.
Ayon kay Coco, nagkataon daw na break siya kaya ipinrisinta ang sarili sa direktor.
Nagdalawang-isip naman ang direktor kaya tinawagn daw niyang muli si Coco para siguraduhin na gagawin nga ang movie at ang ending, si Coco na nga ang gumanap sa role sa Apag.





Comments