top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Role, kaya kay Cristine napunta… PINKLAWAN NA AKTRES, TUMANGGI RAW GUMANAP NA IMEE MARCOS

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 20, 2022
2 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | July 20, 2022




Para namang hindi totoo ang tsikang hindi si Cristine Reyes ang original choice sa role ni Sen. Imee Marcos sa pelikulang Maid in Malacañang.


Ang sabi, inalok sa isang aktres na Pinklawan at supporter ni Leni Robredo ang role.


Tinanggihan daw ng aktres ang offer na ikinagalit diumano ni Sen. Imee dahil gusto niya ang aktres na napili na gumanap sa kanyang role.


Kaya may paglilinaw ang VinCentiments, ang production yata ni Director Darryl Yap, tungkol sa isyu na lumabas after ng grand media conference ng Viva Films movie na sa August 3 ang playdate.


“Maaari namang kumpirmahin o pabulaanan ng aktres ang ipinakalat ng mga Kakampink na inalok daw siya para gumanap na Imee Marcos.


"Bilang bahagi ng produksiyon, nais po naming ipaalam na maliban sa inggit na dulot pa rin ng pagiging talo sa nakaraang eleksiyon; ang balitang ito ay isang tsismis-pink tsismis.


"Bukod sa pagiging VIVA ARTIST ni Cristine Reyes, si Cristine Reyes po ay personal choice ni Senator Imee para sa #MAIDinMALACAÑANG. Maraming salamat po.”


Sa mediacon ng movie, nabanggit ni Sen. Imee na creepy para sa kanya dahil gayang-gaya siya ni Cristine. Parang nakita niya ang sarili sa aktres dahil nagaya nito ang kilos at pagsasalita niya, pati ayos ng buhok at pananamit.


Naikuwento naman ni Cristine na humingi siya ng time to talk to Sen. Imee para mas makilala ito.

“Nagkuwento siya, hindi ako nagsalita. I just listened to her at nakita ko si Sen. Imee na unti-unti, bumababa ang wall. Nandu’n pa rin ang pain at memories sa kanya,” ani Cristine.


Sa husay nga ni Cristine sa role na Imee, naging fan niya si Direk Darryl at kapag nagkaroon ng sequel ang movie, siguradong si Cristine pa rin ang gaganap sa role at hindi ibang aktres.


Natanong sina Imee at Direk Darryl kung may sequel ang movie. Sagot ni Sen. Imee, hindi pa niya napapanood ang buong pelikula.


Si Direk Darryl, ang sagot, “Ang alam ko, trilogy ito, maghihintay ako sa Viva. Nakasalalay ang sequel at trilogy sa sambayanang Pilipino, kung panonoorin nila ito.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page