top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Rogelio kakasa sa Condition Race

BULGAR
Oct 23, 2021
2 min read

ni Green Lantern- @Renda at Latigo | October 23, 2021


Maugong ang kabayong Rogelio sa social media, karamihan ay siya ang pili ng mga karerista pagtakbo nito sa Condition Race (18) ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.


Ayon sa ibang karerista, kahit maging liyamado si Rogelio ay hindi sila magsi-single sa kanya sa winner take all dahil mahuhusay din ang mga kalaban nito.


"Magaling si Rogelio pero magagaling din ang kanyang mga kalaban kaya baka magtatlo ako diyan," saad ni Marvin Legaspi, karera veteran.


May distansyang 1,500 meter race, ang ibang kalahok ay sina Prettiest Star, Storm Bell, Noon Bell, Forest Cover, Critical Moments, Morning Breeze, Sari Baby at My Jopay.


Posibleng maging mahigpit na karibal ni Rogelio ay sina My Jopay at magka-kuwadrang Storm Bell at Noon Bell sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Sasakyan ni class A rider JA Guce si Rogelio na inaasahang daraan sa butas ng karayom bago makuha ang inaasam na panalo.


Maliban sa karera, tutuon din ang mga karerista sa Pick 6 na may carry over na P229,053.00. Magsisimula ang Pick 6 sa race 3 kung saan pakakawalan ang 10 kabayo sa magaganap na 2021 PHILRACOM Rating Based Handicapping System.


Tiyak na mahihirapan sa pagpili ang mga karerista sa unang race ng Pick 6 dahil balanse ang lineup.

Dalawang tipsters sa programa ang pumili kay Princess Isabelle na pang primera habang isa kay El Lider Maximo.


Subalit malaki rin ang tsansang manalo nina Sky Plus at Ashley's Gift ayon sa mga karerista.


Ikakalat ang added prize na P15,000 sa unang apat na kabayong tatawid sa meta habang may dagdag na premyong P5,000 ang kukubrahin ng winning horse owner, inisponsoran ito ng PHILRACOM.


Samantala, 8 races ang inihain ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw ng Sabado.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page