Rodrigo, kikilatisin sa Philracom RBHS
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | December 03, 2021
Masusubukan muli ang tikas ni Rodrigo pagsalang nito sa 2021 PHILRACOM Rating Based Handicapping System race na ilalarga ngayong araw ng Biyernes sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Pakakawalan sa pangalawang karera, rerendahan ni RM Adona si Rodrigo upang harapin ang 13 pang tigasing kabayo sa distansyang 1,400 meter race.
Ayon sa ibang mga karerista, pahirapan sigurado sa pagpili ng tatayaan dahil balanse ang lineup at lahat ay may mga buti sa karera. "Tatlo hanggang apat siguro ang pipiliin ko para sa winner take all ko, para malaking tsansa na makapuntos," pahayag ni Felix Manabat, karerista.
Inaasahang magiging mahigpit na karibal ni Rodrigo ay sina Jannanigans at Yes Kitty sa event na nakalaan ang added prize na P180,000 na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.
Ang ibang kalahok ay sina Spunk Attack, Haymaker, Chesapeake Bay, Batan Island, Alezzandro, Great Dane, Hook N Dancer, No Regret, Regan Bell, Hunky Dory at Blue Mist.Inaasahang magiging mahigpit na karibal ni Rodrigo ay sina Jannanigans at Yes Kitty sa event na nakalaan ang added prize na P180,000 na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.
Maliban sa nasabing karera, tiyak na aabangan din ng mga karerista ang mga carry over tulad sa winner take all, Pick 5, Super 6 at Pentafecta.Inaasahang magiging mahigpit na karibal ni Rodrigo ay sina Jannanigans at Yes Kitty sa event na nakalaan ang added prize na P180,000 na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.
May carry over na P1,274,221.19 sa WTA na magsisimula sa race 1, kasama rin ang pentafecta na may CO na P25, 267.37. Sa Race 2 ang carry over sa Super 6, (P117,271.53) habang sa pangatlong karera ang CO sa Pick 5 na may P193,475.34.Inaasahang magiging mahigpit na karibal ni Rodrigo ay sina Jannanigans at Yes Kitty sa event na nakalaan ang added prize na P180,000 na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.
Samantala, pitong karera ang inihain ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw, suportado ito ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.Inaasahang magiging mahigpit na karibal ni Rodrigo ay sina Jannanigans at Yes Kitty sa event na nakalaan ang added prize na P180,000 na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.
Hanggang bukas, (Sabado) magiging punong abala ang MJCI sa karera, paniguradong masisiyahan ang mga karerista sa mga lineup kaya tiyak na maganda ang kanilang paglilibang.





Comments