top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Rockets, Hornets, Jazz at Raptors, umalagwa

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 7, 2021
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 07, 2021





Nilampasan ng bisitang Charlotte Hornets ang biglang pagliban ng apat nilang kakampi upang maukit ang 130-127 panalo sa Atlanta Hawks sa State Farm Arena kahapon.


Hindi naglaro dahil sa health protocol sina LaMelo Ball, Terry Rozier, Mason Plumlee at Jalen McDaniels at napilitang mag-angat ng mga manlalaro buhat sa NBA G-League.


Nagtrabaho ng husto si Miles Bridges sa 32 puntos at Kelly Oubre Jr. na may 28 puntos upang takpan ang 50.0 puntos na nawala galing sa apat. Umakyat ang Hornets sa 14-11 at pang-anim puwesto subalit tatlong laro lang ang hahabulin sa numero uno Brooklyn Nets (16-7) sa mahigpit na Eastern Conference.


Humaba sa anim ang sunod-sunod na panalo ng Houston Rockets at pinatahimik ang New Orleans Pelicans, 118-108. Parehong nagsumite ng tig-23 puntos sina Christian Wood at Eric Gordon subalit mas mahalaga ay hindi na kulelat ang Rockets (7-16) sa Western Conference.


Patuloy pa rin sinusuri ang hita ni Jalen Green at ayon kay Coach Stephen Silas, baka isang linggo pa bago bumalik ang Fil-Am rookie sa Rockets. Binitin ng Utah Jazz ang paghabol ng Cleveland Cavaliers, 109-108, para sa kanilang ika-apat na sunod na pagwagi sabay putol ng apat na sunod na panalo ng Cavs. Walong Jazz lang ang ginamit sa pangunguna ni


Donovan Mitchell na may 15 ng kanyang 35 puntos sa first quarter.


Magkasunod ang tres ni Mike Conley at dunk ni Rudy Gobert upang palamangin ang Utah na may 1:42 sa orasan, 109-106. Sa isa pang laro, nagwagi ang Toronto Raptors sa bisitang Washington Wizards, 102-90. Uminit si Pascal Siakam para sa 31 puntos.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page