top of page
Gary V. - IG.jpg

Robles ng Crossovers, sinagasaan ang Foxies

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 18, 2023
2 min read

ni GA @Sports | October 18, 2023




Mga laro sa Huwebes

(FilOil EcoOil Centre)

3 p.m.- Chery Tiggo vs Galeries

5 p.m.- PLDT vs Akari

7 pm – Choco Mucho vs Farm Fresh Foxies


Sinagasaan ng kumakaripas na takbo at hambalos ng Chery Tiggo Crossovers ang kanilang unang panalo sa pangwawalis sa Farm Fresh Foxies sa pamamagitan ng 25-21, 25-23, 25-22 straight set, sa unang laro ng triple-header matches kahapon sa 2023 Premier Volleyball League (PVL) 2nd All-Filipino Conference sa Smart Araneta Coliseum.

Tumapos ang dating National University Lady Bulldogs opposite hitter na si Princess Robles ng kabuuang 10 puntos na karamihan ay sinandalan ng koponan sa mahahalagang sandali ng third set upang maitakas ang unang panalo sa huling kumperensya ngayong taon.

Ginawa lang namin is nagtiwala kami sa sarili namin at sinunod ‘yung plano ng coaches at tulungan lang sa loob ng court. Importante kase itong unang panalo kase dito mag-base kung saan kami tutungo, para magawa namin ng tama at sana sa susunod na game makuha namin at marami,” pahayag ng 26-anyos mula Iloilo City na naging malaking bahagi ng 84th season title run ng NU Lady Bulldogs, kung saan nagwagi ito ng Finals MVP.

Sa huli ay nagawang tapusin ng Crossovers ang panalo na sumandal sa 10-1 run upang kunin ang first set, habang naging sandalan ang errors ng Far Fresh at service aces upang maitakbo ang second set.


Samantalang tumakbo ng panibagong paghahabol sa third set upang hindi na mapagbigyan pa ang pagtatangkang pahabain ang laro sa susunod na set.


Yung mali lang sa amin yung communication kulang pa, at the end nakuha rin namin at nagdagdag pa kami,” dagdag ni 5-foot-3 opposite hitter na pinagbidahan sa iskoring ng magkapatid na Eya at EJ Laure na tumapos ng 14 at 13 puntos mula sa tig-12 atake.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page