Robin, vice chair ng Basic Education
- BULGAR

- 11 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | May 27, 2026

Photo: Robin Padila - Senate PH
Ipinagpatuloy kahapon ni Senate President Alan Peter Cayetano ang reorganization ng Senado kaugnay sa pagtatalaga ng mga vice chairperson at miyembro sa iba't ibang komite.
Itinalaga si Sen. Robinhood Padilla bilang vice-chairperson ng Committee on Basic Education kasama sina Senators Bong Go, Jinggoy Estrada, Pia Cayetano, Mark Villar, Imee Marcos, Joel Villanueva, at Rodante Marcoleta bilang mga miyembro ng majority.
Nahalal naman bilang mga miyembro ng Committee on Culture and the Arts sa hanay ng mayorya sina Senators Padilla, Pia Cayetano, Villanueva, Marcoleta, at Marcos.
Nahalal naman sa Committee on Higher Technical Vocational Education sa bahagi ng Mayorya, si Sen. Loren Legarda bilang, vice chairperson at mga miyembro sina Senators Pia Cayetano, Go, Padilla, at Mark Villar.
Kaugnay nito, nahalal sa Committee on public order sina Senators Go, Estrada, Marcoleta, Padilla, at Marcos para sa mayorya, kasama sina Go, Estrada, Marcoleta bilang mga vice chairperson ng komite.
Samantala, handa ang mayorya na mag-alok ng ilang chairmanship sa minorya, gayundin ang reconstitution ng Commission on Appointments.





Comments