top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Robin, nasampulan ng mga dds!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 30, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 31, 2021



PAKITANG-TAO NINA MAR ROXAS AT P-DUTERTE--Sa module ng Department of Education (DepEd) na ibinigay sa mga Grade 6 students ay may nakasaad dito na ginawang halimbawa si dating Sen. Mar Roxas na pakitang-tao lang daw ang ginagawa nitong pagta-trapik sa kalsada habang umuulan.


Sana sa susunod na gumawa ng module ang DepEd ay ilagay din nila na pakitang-tao rin 'yung ginawa ng kampo ni P-Duterte na pagpo-post sa social media na kanin (na may kandila) lang handa niya sa kanyang birthday kasi may lumabas din na isang larawan na marami pala siyang handa, may totoong cake at may lechon pa, boom!


◘◘◘


ROBIN PADILLA, HINDI LIGTAS SA PAMBA-BASH NG MGA KAPWA NIYA DDS--Binash din ng mga kapwa niya DDS si Robin Padilla dahil sa pagtatanggol ng aktor sa kapwa niya artista na si Liza Soberano na binash ng mga DDS dahil sa post na madali lang mag-stay home sa panahon ng lockdown kung may sapat na suporta ang gobyerno.


Sa totoo lang, wala namang masama sa pinost ni Liza, pero nagalit ang mga DDS sa aktres, at pati si Padilla na nagtanggol sa aktres na huwag itong i-bash dahil bata pa raw ito ay bilang Pilipino ay karapatan din nitong magpahayag ng kanyang saloobin, kaya pati ang aktor ay binash, hindi nakaligtas sa pamba-bash ng mga kapwa niya DDS, boom!


◘◘◘


MGA AKTIBISTA, KUNDI NAPAPATAY SA PANLALABAN, PATAY SA UNIDENTIFIED ASSAILANT--Matapos mapatay sa sinasabing shootout o panlalaban sa pulisya at militar ang siyam na aktibista sa Southern Tagalog region nuong March 7, 2021, ay binaril at napatay naman kamakalawa ng unidentified assailant ang isa pang aktibista na si PAMANTIK-KMU (Kilusang Mayo Uno) Vice Chairman Dandy Miguel sa Calamba City, Laguna.


Mukhang mauubos na ang mga aktibista kasi kundi sila napapatay sa panlalaban ay may unidentified assailant na lumilikida sa kanila, tsk-tsk-tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page