Robin, nakipag-away kay Sen. Kiko… MADLANG PIPOL KAY KYLIE: PAKISABI SA TATAY MO, ‘WAG DALHIN ANG ASAL-TAMBAY SA SENADO
- BULGAR

- 21 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 16, 2026

Photo: IG @kylienicolepadilla & FB Robin Padilla
Hindi idine-delete ni Kylie Padilla ang comments ng mga netizens sa Instagram niya tungkol sa ama niyang si Robin Padilla sa role nito sa komprontasyon nila ni Kiko Pangilinan sa Senado.
In fairness, magalang ang mga nagko-comment, hindi bashing kundi pakiusap ang kanilang ginagawa.
Comment ng isang netizen, “Please lang, pakisabi naman sa tatay mo, ‘wag dalhin ang asal-tambay n’ya sa Senado. First, na kay Sen. Kiko pa ang floor. Second, s’ya ang unang tumaas ng boses. Third, Sen. Kiko extended his hand kahapon pa lang sa tatay mo, s’ya ang hindi tumanggap. Naku po, utang na loob, s’ya pa may ganang mag-demand ng sorry.”
Sabi naman ng isa, “Girl, ‘yung tatay mo, nagkakalat sa Senado, baka puwedeng pakisabihan.”
Sinundan ito ng, “Kylie, walang mali sa ‘yo... bukod sa tatay mo.”
Well, mahal ng kanyang mga fans si Kylie, hindi siya isinasama sa reklamo nila kay Sen. Robin.
Sa isyu nito kina Aljur Abrenica at AJ Raval, marami ang sumusuporta sa kanya at tuwing may bago siyang project, suportado siya ng kanyang mga fans.
Gaya na lang nitong parating na action series na Task Force Firewall (TFF), muling pinuri ng mga fans ang husay ng aktres sa action. Hindi na raw nito kailangan ng double dahil kaya niyang makipagbarilan at makipagbakbakan.
Comment ng isang netizen, “No other actress comes close talaga to Kylie Padilla when it comes to the action genre. Ito ‘yung talagang stance pa lang, natural na. It doesn’t look like she’s trying to look maangas. It looks so natural on her. Bawat bagsak ng suntok o sipa, and even the way she recovers after, the way she clenches her fist or the way she holds a weapon or throws any object — believable ang bawat kilos.”
Nagpasalamat si Kylie sa mga papuri sa kanya.
sa premiere ng Task Force Firewall ang husay ni Kylie sa action. Si Rico Gutierrez ang director ng bagong action series ng GMA.
Dati, parehong bida… DENNIS, KONTRABIDA NI RURU SA BAGONG SERYE
May reunion project sina Dennis Trillo at Ruru Madrid pagkatapos nilang magsama sa pelikulang Green Bones (GB). This time, sa TV series naman sila magsasama at ito ay sa Hari ng Tondo (HNT).
Ang maganda pa, si Dennis ang gaganap na kontrabida sa action-drama series at si Ruru ang bida.
Sa GB, si Dennis ang lead at second lead si Ruru.
Sa May 18 ang storycon ng project at malalaman na ang ibang detalye tungkol dito.
Sa ngayon, si Elle Villanueva pa lang ang nababanggit na makakasama nina Dennis at Ruru.
Excited na ang mga Kapuso viewers na mapanood na bad guy naman si Dennis, at sa husay ng aktor, alam nilang mabibigyan niya ng justice ang kanyang kontrabida role.
Anyway, nasa Spain pa yata si Ruru para sa shooting ng movie na Los Salvajes Bravos (LSB) at sa post nito ay ipinasilip ang ganda ng Salamanca, Spain. Ang ganda ng lugar at gugustuhin mong puntahan.
Hindi nawawalan ng project si Ruru Madrid dahil magaling siya, dedicated at propesyonal. Madalas nga siyang naaaksidente tuwing may ginagawang TV series, pero hindi siya pumapayag na matigil ang taping.
Mga trabahador lang daw ng bayan…
BARBIE: HINDI INIIDOLO ANG PULITIKO
Natutuwa ang taumbayan na dumarami ang mga celebrities na hindi natatakot magsalita at magpahayag ng kanilang saloobin tungkol sa mga nangyayari sa gobyerno at lipunan.
Kabilang na rito sina Barbie Imperial, Kaila Estrada, Janine Gutierrez, Bela Padilla, at Ogie Diaz na naging bukas sa pagbabahagi ng kanilang opinyon sa iba’t ibang usaping pampubliko at pampulitika.
Ito ang paalala ni Barbie sa taumbayan, “Hindi iniidolo ang pulitiko. Sila’y trabahador ng bayan.”
Para sa maraming netizens, mahalagang ginagamit ng mga artista ang kanilang impluwensiya upang hikayatin ang publiko na maging mulat at mapanuri.
Dasal ng mga fans, sana ay dumami pa ang mga celebrities na may lakas ng loob magsalita dahil malaking tulong umano ang kanilang ‘ingay’ upang makarating sa mga kinauukulan ang tunay na sentimyento ng taumbayan, lalo na pagdating sa usapin ng pamahalaan at pananagutan ng mga opisyal.





Comments