Robin Hood at Magtotobetsky hindi aatras kay Boss Emong
- BULGAR
- Jun 23, 2023
- 1 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | June 23, 2023
Hindi nasisindak ang magka-kuwadrang Robin Hood at Magtotobetsky sa husay ni Boss Emong paglarga ng 2023 PHILRACOM Gran Copa De Manila Cup na pakakawalan sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas bukas ng hapon.
Tiyak na makakakuha ng maraming suporta sa karerista ang reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA - Horse of the Year awardee na si Boss Emong pero siguradong mapapalaban ito sa coupled entry na Robin Hood at Magtotobetsky.
Sasakyan ni veteran jockey Jeffrey Bacaycay si Magtotobetsky habang si Jomer Estorque ang sasakay kay Robin Hood sa distansiyang 1,600 meter race. Maliban kay Boss Emong, ang ibang makakatagisan ng bilis nina Robin Hood at Magtotobetsky ay sina Don Julio, Gomezian, Jungkook at Life Gets Better.
May nakalaan ang P1M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta kung saan ibubulsa ng mananalo ang P600,000 premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Hahamigin ng second placer ang P225,000, susungkitin naman ng third ang P125,000 habang P50,000 ang i-uuwi ng pang-apat na kabayong tatawid sa finish line. Hahablutin ng breeder ng winning horse ang P50,000 premyo habang P30,000 sa second at P20,000 sa third.
Samantala, tiyak ang pagdagsa ng mga karerista sa karerahan upang masaksihan ang magagandang pakarera ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI). Balanseng regular races din ang inihanda ng MMTCI kaya masaya na naman ang mga karerista sa kanilang paglilibang.





Comments