ROBIN, AYAW NANG MAG-SHOWBIZ NGAYONG SENADOR NA
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | May 22, 2022

Nag-tweet si Karen Davila ng, “GOOD MOVE, Sen. Robin Padilla. Winning showbiz candidates should stop treating the Senate like a bonus or just a stature post. Let us demand they do the work, show up and be active. The Filipino people deserve no less.”
Nabanggit kasi ng senator-elect na si Robin Padilla na iiwanan muna niya ang paggawa ng pelikula at mas kailangan niyang pagtuunan ng pansin ang bago niyang trabaho ngayon sa gobyerno.
Panayam ni Binoe sa ABS-CBN news, “Mahalaga sa akin na magtrabaho na ako para pagtuunan ang mga reporma sa batas. Last movie ko na ‘yun (may tatapusin bago umupo sa June 30). Mananatili na lang ‘yung show ko sa TV (Unlad: Kaagapay sa Hanapbuhay sa NET 25). Pero sa showbiz, last ko na ‘yun.”
Samantala, walang victory party si Robin base sa mensahe sa amin ng manager niyang si Betchay Vidanes.
“Naku, wala, daming need gawin na,” sagot nito through IG account.





Comments