Robin at Mariel, inilibre si Kylie sa Eras Tour concert

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 9, 2024

Ibinulgar ni Kylie Padilla na sinagot ng kanyang amang si Robin Padilla at ng misis nitong si Mariel Rodriguez ang ticket niya para sa dinaluhang concert ni Taylor Swift na "The Eras Tour" na ginanap sa Singapore.
Todo-pasasalamat nga ang aktres sa kanyang papa at tita sa mga Instagram stories nito.
Sey niya sa caption, “Thank you, tita and papa for the treat. Nabuhay ‘yung Swiftie heart ko."
Hindi nga naitago ni Kylie ang enjoyment sa pinuntahang concert na deserve na deserve naman ng aktres.





Comments