ROBI, NAG-PROPOSE NA SA 4-YEAR GF
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 6, 2022

Eksklusibong ibinalita ng ABS-CBN News na engaged na si Robi Domingo at ang four-year girlfriend niyang si Maiqui Pineda.
Nangyari ang proposal ng TV host sa famous Shibuya crossing sa Tokyo, Japan kung saan doon sila nag-spend ng Halloween vacation.
Witness ang mga kaibigan ni Robi na sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Ria Atayde, Zanjoe Marudo at Joshua Garcia together with Robi's best friend and Maiqui's family.

Nu'ng mainterbyu si Robi months back, binanggit niyang magpo-propose siya sa girlfriend sa New York City pero dahil may conflict ang schedule at iba pang mga bagay- bagay ay nabago ang kanyang plano at venue which is nangyari nga sa Tokyo.
Ayon sa TV host, wala pang date kung kelan sila pakakasal ni Maiqui.





Comments