Roar song, ginagamit sa kampanya ni BBM… TONI, ISINUMBONG NG KAKAMPINK KAY KATY PERRY
- BULGAR

- Mar 30, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | March 30, 2022

Pati ang malayo at nananahimik na si Katy Perry, isinasali sa ingay ng pulitika sa Pilipinas dahil sa May 9, 2022 elections.
Laging kinakanta ni Toni Gonzaga sa campaign rally ng UniTeam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte ang kantang Roar ni Katy Perry. Hindi lang sa maganda at pampagising sa tao, maganda rin kasi ang lyrics nito at bagay na bagay sa pinagdaanan ni Toni.
Kaso, may mga supporters sina VP Leni at Sen. Kiko Pangilinan na hindi natuwa sa choice of song ni Toni sa mga rally. May mga Kakampink na nagsumbong kay Katy Perry na kinakanta raw ni Toni ang song niya na alam nilang walang permiso.
Nabasa namin ang mga tweets kay Katy Perry na hindi lang si BBM ang siniraan.
Ginagamit daw ni Bongbong ang Roar na isa sa campaign songs nito, eh, si Toni naman ang kumakanta at hindi si BBM. May nag-tweet pa nga ng “Can we ask for your statement (Katy Perry) why a robber is using your song?”
Para kay Toni, ang tweet ng isang Kakampink ay “It feels weird hearing that beautiful song sung as intro to Marcos Junior.”
Tweet pa ng isa, “Tapos, ang kumakanta pa, 'yung singer daw na galing sa ilong ang boses.”
Ang suggestion naman ng isa, “Tag her local label here @UMUSICPH/mca music.”
Isa pang kinakanta ni Toni sa campaign rally para kina Bongbong at Sara ang Titanium.
Wala pa namang balita na nagsumbong kina David Gueta at Sia na kumanta ng Titanium ang mga Kakampink.





Comments