Road Warriors, pinatagas ang karga ng super LPG
Updated: Sep 6, 2021
ni Gerard Arce - @Sports | September 05, 2021

Sumandal sa magandang depensa at maturity sa huling bahagi ng laro ang NLEX Road Warriors (4-2) upang makamit ang 2nd win kontra Phoenix Super LPG, 94-76, kahapon sa 46th PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga.
Dalawang magkasunod na jump shot ang binitawan ni Jericho Cruz sa huling segundo upang tapusin ang pag-asa ng Fuel Masters ng itarak ang 14-point lead ng Road Warrior at maging ika-4 sa team standings sa semi-bubble o closed circuit tournament.
Nanguna sa koponan ng Road Warriors si Jericho Cruz na may team high 19-pts. katulong sina Raul Soyud sa 17 pts at JR Quinahan sa 16 pts. Rumehistro lang ng 13 pts si Vic Manuel para sa Fuel Masters.
“What coach Yeng is telling is to prepare it every game and take one game at a time. Alam naming na medyo mahirap i-fill in yung shoes ni Kiefer (Ravena), pero it’s a collective effort naman para sa buong team,” wika ni Cruz matapos ang laro.
Ayon kay NLEX coach Yeng Guiao, naging maganda umano ang resulta ng kanilang adjustments sa pagpasok ng 3rd period nang higpitan ang depensa at panatilihing mababa ang scoring ng Fuel Masters nina Wright at Manuel. “Yung first half, medyo nag-worry kami kase ang ganda ng set pattern nila, we can’t find a solution sa mga set nila kay Matthew, alam namin eh. It’s one thing we doing in practice and see it in a game. It takes a time to make it to the pace, nung nagamayan na namin na naka-react na kami, we put some distance and better defense. We have schemes for both of them, kahit alam namin na may sakit si Vic, alam naming na problem siya. Our desire to win and challenge without Kiefer. We have to start to define our self without Kiefer, nakaka-inspire din sa amin yun,” paliwanag ni Guiao.
Hindi gaanong naging malayo ang agwat ng kalamangan ng Fuels s sa dulo ng first quarter na nagawa lang makasukbit ng 8-point lead sa 24-16 sa 2:40 hanggang sa matapyas na lang ito ng Road Warriors sa 3 sa pagtatapos ng peryodo, 25-22.
Samantala, pupuntiryahin ng giant-slayer na Terrafirma Dyip (2-4) na muling makasagasa ng panalo laban sa wala pang panalong Blackwater Bossing (0-5) sa unang laro sa alas-2:00 ng hapon na susundan naman ng 2020 Philippine Cup semifinal rematch sa pagitan ng Meralco Bolts (5-2) at defending champion Ginebra San Miguel (2-3) sa dakong alas 4:35 ng hapon, habang tatapusin ang mga laro sa Linggo ng mga league-leaders na Magnolia Hotshots Pambansang Manok (5-1) at undefeated na TNT Tropang Giga (5-0) sa alas 7:00 ng gabi.





Comments