top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Road to Triple Crown at 6 kalahok vs. Union Bell

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 11, 2020
  • 1 min read

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | September 11, 2020



Sa Setyembre 13 magaganap ang Road- To-Triple Crown sa Manila Jockey Club Inc.,(MJCI) sa San Lazaro Leasure Park sa Carmona.


Habang anim na kalahok pa ang mahigpit na makakaharap ng pinapaborang Union Bell sa 2020 1st Leg Triple Crown na gaganapin sa Oktubre 4 sa MJCI sa Carmona,Cavite.


Ang mga kalahok na kinabibilangan ng Puru Asset,Wespointer, Redhead Dancer, Four Strong Wind, Lucky Saving at Exponential ang masasabing makakalaban ng Union Bell.


Bagamat ilan sa mga kalahok ay nakaharap ng Union Bell noong 2019 sa Juvenile championship. Ang bawat kalahok ay may taglay na panalo sa gaya ng Puro Asset, Redhead Dancer, Four Strong Wind, Lucky Saving at Exponential ay mahigipit na nakalaban ng Union Bell.


Ang ibang nakaharap na kalahok gaya ng Heneral Kalentong, Wespointer, Radio Gaga ay susubukan sa laban. Naniniwala ang Bayang Karerista na mahihirapang bunuin ang Union Bell sa nabanggit na laban.


Magbibigay ng magandang laban ang Exponential, Lucky Saving at Heneral Kalentong.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page