top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Roach at Fortune, nagsisihan sa pagkatalo at Cramps ni Pacman

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 4, 2021
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | September 04, 2021



Tila may hindi pagkakaintindihan ang mga coaches ni Manny “Pacman” Pacquiao na sina Hall of Famer Freddie Roach at strength and conditioning coach Justine Fortune.


Pumalag ang Australian coach sa alegasyon diumano ni Roach sa isang panayam ng MorningKombat with Luke Thomas and Brian Campbell bago ang laban ni Pacman kontra WBA World champion Yordenis “54 Milagros” Ugas ng Cuba para sa WBA Super-World welterweight title na nagresulta sa 12-round unanimous decision victory sa Cuban boxer noong Agosto 21 sa Las Vegas.


Sinabi ni Roach na inaalala niya ang madalas na pag-jogging ni Pacman kahit tapos na ang sparring sessions nito na dapat ay nagpapahinga na lang ito. “My biggest problem (concern) is right now is that Manny has this strength coach hat loves to take him in the hills and mountains every day, and I said, ***hole what are you doing? Come on in sparring day let him sleep in, and if not sparring day take him to the hill and in sparring days let him chill and rest,” pahayag ni Roach sa panayam. “Sparring is more important to me than run that hill. I know he can run on the hill.”


Nagsimulang magsisihan ang kampo ni Pacman dahil sa nakuhang cramps nito sa mismong laban na nagpahirap sa 42-anyos na Filipino Senator na magamit ang magandang foot works sa laban.


Lumabas sa report na hindi nagustuhan ng Australian coach ang paninisi sa kanya kung kaya natalo ang Pinoy boxing legend. Dapat ay sinabi na lang sa kanya ng personal at hindi narinig sa ibang tao pa. Tinukoy din ni Fortune ang pagkuha umano ni Roach ng isang doctor na nagmasahe sa mga binti ni Pacquiao bago ang laban na maaaring iyon ang naging sanhi ng cramps nito.


Aniya, kahit sina Roach at assistant coach Buboy Fernandez umano ay hindi rin good vibes. Nagkataon din umano na ang cramps ay parte ng hindi magandang kondisyon ng kahit sinong boxers o kampeon, at maging ang halos 2 taon ding pagkabakante ni Pacman sa laban.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page