RITA, TINAWAG NA BOLD STAR NG KAMPO NG KALABAN NI VP LENI
ni Nitz Miralles - @Bida | January 29, 2022

Nag-trending si Rita Avila dahil sa comment niya sa interview ni Boy Abunda kay VP Leni Robredo na sa paniwala ng aktres, parang ayaw pasagutin ni Boy si VP Leni sa kanyang mga tanong dito. Lagi raw kina-cut ni Boy si VP Leni sa mga sagot nito.
Magandang basahin ang mga comments sa Twitter, may kontra kay Rita na supporters ng ibang presidentiables at kumampi naman sa kanya ang mga supporters ni Leni.
Comment pa, nakipagbardagulan daw si Rita sa mga netizens.
May sinabi si Rita patungkol kay VP Leni, “If ever I’ll see something wrong with VP Leni, I will criticize her too. But so far, she keeps on amazing me. Ganu'n din naman gawa ko sa iba, 'pag may maganda akong nakita, nag-a-agree ako at nagpe-praise. 'Pag may 'di maganda, I also say it.”
May ilang comments lang na pati ang paggawa ni Rita ng ST movies noon sa Seiko ay binalikan.
Sagot ng aktres, “Laging ginagamit sa akin ng mga “kalaban” ang pagiging “bold star” ko noon. Baka 'di pa buhay itong mga ito nu'ng time ko nu'ng mga ST movies kaya 'di nila alam how far did the “ST Queens” went on sa pagbo-bold. Ang panahon namin ang pinaka-tamed sa mga bold stars, puro naka-2-pc., bare back shots, leg shots.”





Comments