Righteous Ruby, sisilo ng panalo sa Japan Cup
ni Green Lantern - @Renda at Latigo |December 11, 2022
Sisikapin ni Righteous Ruby na masilo ang panalo pagsalang nito sa "Japan Cup" race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas, ngayong araw.
Rerendahan ni veteran rider Fernando Raquel Jr., tiyak na mapapalaban si Righteous Ruby kay Shastaloo na gagabayan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate.
May distansiyang 1,800 meter race, ang ibang kalahok ay sina Runway, Starinmydreams at magkakamping Wonderland at Dragon Butterfly.
Nakalaan sa nasabing event ang guaranteed prize na P1-M na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P600,000, mapupunta ang P225,000 sa second placer habang tig-P125,000 at P50,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.
May hahamigin din na P50,000 ang breeder ng winning horse habang P30,000 at P20,000 ang 2nd at 4th placers.
Samantala, tampok na karera ngayong araw ay ang bakbakan ng 10 tigasing kabayo, kasama ang couple entry sa ilalargang 9th Pasay "The Travel City" Grand Cup na pakakawalan sa 11th race. Nasa 13 races ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo kaya tiyak na masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Moves Like Jagger (11), Noh Sen Young Yana (5), Heirloom (2)
Race 2 - Righteous Ruby (6), Shastaloo (3)
Race 3 - Blazing Bullet (5), El Mundo (7), Money Dance (10)
Race 4 - Player Andi (9), Gintong Hari (11), Swakto Power Duo (6)
Race 5 - Namaskar (9), Big Hook (14), Lucky Hilda (7)
Race 6 - Palibhasa Lalake (3), Bombay Nights (1)
Race 7 - Amaretto Sour (6), Meteora (13)
Race 8 - Basheirrou/Cupid Song (1/1A)
Race 9 - Candaba (7), American Dream (2), Don Lucas (11)
Race 10 - Dambana (1), Early Bird (2),
Race 11 - Robin Hood (7), King Tiger (9),
Race 12 - Super Cong./Misha (2/2A)
Race 13 - Markee's Angel/Greatest Joy (2/2A)





Comments