top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Righteous Ruby, kampeon

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 23, 2021
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | November 23, 2021



Magaan na nanalo si Righteous Ruby sa naganap na 2021 PHILRACOM Amb. Eduardo M. Cojuangco Jr.


Memorial Cup na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, noong Linggo.


Humanga ang mga karerista sa ipinakitang performance ng anak nina Revolutionary at God Bless Slew kung saan ay kalmadong siyang ginabayan ni jockey MM Gonzales.


Paglabas ng aparato ay pumuwesto lang sina Righteous Ruby at Gonzales sa bandang likuran at panoorin lang ang mga nagtatagisan ng bilis sa unahan. Hawak ni Raintree ang bandera, subalit pagsapit ng far turn ay nagbabadya ng lampasan siya ni Righteous Ruby na parang hindi maawat sa nais na pag-agaw ng unahan. Sa huling kurbada ay nasa unahan na si Righteous Ruby at sa rektahan ay nasa anim na kabayo na agad ang kanyang lamang.


Tinawid ni Righteous Ruby ang finish line ng may walong kabayo ang agwat sa nasegundong si Our Tito.


Inilista ni Righteous Ruby ang 2:01.6 minuto sa 2,000 meter race sapat upang ibulsa ng may-ari ng kuwadrang Cool Summer farm ang tumataginting na P1.8M na premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. "Mahusay ang pagkakadala kay Righteous Ruby, sobra-sobra manalo," saad ni Chill Legaspi, veteran karerista.


Nakopo ni Our Tito ang P600,000, habang tig-P300,000 at P150,000 ang third at fourth placers na sina Gomper Girl at Chancetheracer ayon sa pagkakahilera.


Masayang umuwi rin ang connections nina In The Zone at Raintree Starlet dahil nasungkit nila ang fifth at sixth prize na P90,000 at P60,000. Marami rin ang bumilib sa pagkakapanalo ni Back To The Future nang ilampaso nito ang mga nakatunggali sa MARHO Breeders' 2-Year-Old Juvenile Fillies.


Sinakyan ni class A rider JA Guce, umoras si Back To The Future ng 1:26.6 minuto sa 1,400 meter race kaya nakopo nito ang P300,000 premyo. Napunta ang P112,500 kay Main Event na sumegundo sa laban habang tig-P62,500 at P25,000 ang 3rd at 4th na sina Palauig at Charm Campaign.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page