Righteous Ruby, itotodo ang
ni Green Lantern - @Renda at Latigo |November 19, 2022
Paniguradong mapapalaban ng todo si Righteous Ruby pagsalang nito sa PHILRACOM "Amb. Eduardo M. Cojuangco Jr. Memorial Cup" na ilalarga bukas, (Linggo) sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.
Malaking premyo ang nakataya sa nasabing karera kaya todo ang paghahanda ng trainers at hinete sa kanilang mga pambatong kabayo. Makakatagisan ng bilis ni Righteous Ruby ang 10 pang tigasing kalahok na hangad na masilo ang korona ang malaking premyo.
May distansiyang 2,000 meter race, ang ibang tatakbo ay sina American Factor, Bombay Knights, Dragon Butterfly, Gomper Girl, Raintree Starlet, Runway, Runway Dreamer, Shastaloo, Starinmydreams at Time For Glory. May garantisadong premyo na P5-M na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta kung saan P3-M ang kukubrahin ng mananalo.
Tukoy ng mga karerista ang husay ni Righteous Ruby na sasakyan ni jockey MM Gonzales kaya posibleng siya ang magdomina sa takilya sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Hahamigin ng 2nd placer ang P1-M, ibubulsa ng tersero ang P500,000 habang tig-P250,000, P150,000 at P100,000 ang fourth, fifth at sixth ayon sa pagkakasunod.
Magbubulsa ang breeder ng local horses lang na P250,000 sa 1st, P150,000 sa 2nd at P100,000 sa third.
Samantala, tiyak na masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang dahil sa ganda ng ihahain na karera ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI).





Comments