top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Riga ng Latvia, sakalam Vs. Manila sa Neom Quest

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 6, 2022
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 6, 2022



Magiting na hinarap ng Manila Chooks ang hamon ng mga bigatin subalit kinapos sa huli sa 2022 FIBA 3x3 Neom Super Quest Biyernes ng gabi sa Saudi Arabia. Pinahirapan ng husto bago bumigay ang mga Pinoy sa Riga ng Latvia, 19-18, at Warsaw Lotto ng Poland, 21-16, at magpaalam ng maaga sa torneo.


Sariwa pa ang kampeonato ng Riga sa Cebu Masters noong nakaraang buwan at humataw sila agad sa 16-6 lamang at 2:33 sa orasan. Biglang nagising ang Manila sa magkasunod na two-points ni Dennis Santos at lumapit, 10-16.


Sinamahan ni Henry Iloka si Santos sa pagpapatuloy ng paghabol subalit hindi nila kakampi ang orasan. Pumuntos si Edgars Crumins na may 25 segundong nalalabi, 19-15, at hindi sapat ang shoot ni Iloka at pahabol na dos ni Santos bago maubos ang 10 minuto.


Nagtapos na may 9 na puntos si Santos habang anim si Iloka, dalawa kay Ken Sagulo Holmqvist at isa kay Dave Ando. Kahit bigo ay nagawa ng depensa ng Manila na hindi paabutin ng 21 puntos ang Riga na bilang pambansang koponan ng Latvia ay nagwagi ng makasaysayang unang gintong medalya ng 3x3 sa 2020 Tokyo Olympics.


Tinuldukan ni Przemyslaw Zamojski ang laro sa kanilang pang-walong dos at may 3:13 pa sa orasan. Gumawa ng 7 puntos si Iloka at sinundan ni Santos na may lima at apat mula kay Ando.


Nagtapos ng pang-9 ang Manila Chooks sa 12 kalahok. May inihahanda na Chooks To Go Pilipinas 3x3 Quest 2.0 sa Nobyembre 9 sa Maynila kung saan maaaring lumahok ang Manila Chooks upang makuha ang naghihintay na tiket para sa kampeon patungong Hong Kong Masters ngayong Nobyembre 26 at 27.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page