Ridon: Sara Duterte, tila itinutulak ang pananagutan sa ama

by BRT @News | October 8, 2026

Photo: Terry Ridon - House of Representatives & Inday Sara Duterte - FB
Sinabi ni Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon na tila itinutulak ng kampo ni Vice President Sara Duterte sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pananagutan sa ilang usaping lumitaw sa impeachment trial.
Ito ay matapos talakayin sa paglilitis ang mga joint bank account nina Sara at Rodrigo sa Bank of the Philippine Islands (BPI).
Ayon kay Ridon, ganito rin umano ang naging linya ng depensa sa mga tanong tungkol sa mga investment at transaksyon ni Atty. Manases Carpio, asawa ng bise presidente.
Kasama sa mga ebidensyang tinatalakay ang P96 milyon na joint time deposits nina Sara at Rodrigo.





Comments