top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Riding-in-tandem strikes again... May-ari ng motor shop, 2 beses binaril sa ulo, todas

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

ni Maeng Santos @News | October 21, 2026



Negyante ng motor shop pinagbabaril - Circulated - GMA

Photo: Circulated / GMA



Patay ang isang negosyante matapos barilin sa ulo ng hindi pa kilalang suspek sa harap mismo ng kanyang motor shop na kanya ring bahay sa Malabon City, Lunes ng gabi.

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang si alyas Mark, 32, ng Brgy. Longos.


Sa ulat ni Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission kay NPD Director P/BGen. Benliner Capili, alas-11:05 ng gabi nang maganap ang insidente sa labas ng bahay ng biktima nang dumating ang delivery rider na may dala ng kanyang biniling produkto.


Batay sa imbestigasyon nina P/MSg. Michael Oben at P/SSg. Bengie Nalogoc, habang tinatanggap ang delivery, dumating ang riding-in-tandem at bumaba ang isa saka dalawang beses na malapitang binaril sa ulo ang biktima.


Isang testigo naman ang nakakita sa gunman na sumakay sa motorsiklong minamaneho ng kasabwat.


Inaalam pa ang motibo sa pamamaril at pagtugis sa mga salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page