Bato, 'pag inaresto, 10,000 ang mamamatay — Jonvic

ni BRT @News | October 21, 2026

Photo: Ronald Bato Dela Rosa / File
Aabot sa 10,000 katao ang posibleng mamatay kung mauuwi sa madugong komprontasyon ang pag-aresto kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla.
Sinabi ni Remulla na nasa Mindanao umano ang senador at pinoprotektahan ng isang grupo na armado at makapangyarihan, na patuloy nilang kinakausap upang mahikayat itong sumuko nang mapayapa.
“In exchange for up to 10,000 potential deaths, I would rather negotiate first than cost the lives of Filipinos in this,” ani Remulla.
“You don’t always solve problems with a hammer. Sometimes you solve things better in a more peaceful, humane way,” dagdag niya.
May arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay Dela Rosa bilang umano'y indirect co-perpetrator sa crimes against humanity kaugnay ng mga pagpatay sa ilalim ng war on drugs ng administrasyong Duterte.





Comments