top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Aprub sa DOLE... Sobrang init, puwedeng um-absent

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

ni Mervin Reyes @News | October 21, 2026



Labor Secretary Francis Tolentino - DOLE

Photo: Labor Secretary Francis Tolentino - DOLE



Maaaring gamiting dahilan ng mga manggagawa ang sobrang init ng panahon upang hindi pumasok sa trabaho, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), sa gitna ng banta ng Super El Niño.


“Kapag tumaas na po sa extreme caution, 'yung nandoon na po sa 40°C, ay puwede na pong gamitin na dahilan po ‘yun na hindi po pumasok,” ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino sa isang panayam.


Ani Tolentino, isasama ito sa labor advisory na ilalabas ng DOLE. 

Maaari ring tumanggi sa delivery ang mga rider kapag umabot sa 42°C ang init mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon.


“'Yung patungkol naman sa delivery riders ay ia-allow po ang mga rider to reject delivery, pagka-42 °C pataas na. Ito po 'yung oras na alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon, na sobrang init,” aniya.


Maaari ring magpatupad ng flexible work arrangements ang mga employer. Samantala, maaaring makatanggap ng kompensasyon ang mga manggagawang magkasakit o masugatan dahil sa matinding init habang nagtatrabaho.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page