top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Pamilya Duterte, walang kinalaman sa P3.5B drug shipment sa Laos — Jonvic

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | October 21, 2026



Jonvic Remulla - DILG PH

Photo: Jonvic Remulla - DILG PH



Walang kaugnayan sa nakumpiskang illegal drugs shipment mula sa bansang Laos ang pamilyang Duterte, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

“None,” ang sagot ni Interior Sec. Jonvic Remulla nang tanungin kung may kaugnayan ang pamilya sa tangkang pagpapasok ng 521 kilo ng shabu sa bansa.


Ipinatawag ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police ang 21 indibidwal upang magbigay ng impormasyon kaugnay ng tangkang pagpupuslit ng kontrabando.


Ayon kay PNP spokesperson Col. Allen Rae Co, posibleng madagdagan pa ang mga indibidwal na ipatatawag kaugnay ng kaso.


Nauna nang tinukoy ni Remulla si dating Bangsamoro Parliament member Edriezan Hadji Nasser Rimbang bilang politiko sa Mindanao na umano'y sangkot sa tangkang pagpupuslit ng shabu na nagkakahalaga ng P3.5 bilyon.


Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Rimbang hinggil sa paratang.


Sa isang press briefing, sinabi ni Remulla na bagama't walang ebidensiyang nag-uugnay sa pamilya Duterte sa naturang kargamento ng droga, matagal nang magkakakilala ang mga miyembro ng pamilya at si Rimbang.


Kinuwestiyon din ng kalihim kung bakit hindi kailanman isinama si Rimbang sa drug watch list noong administrasyong Duterte.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page