top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

RICHARD, NAINSULTO NA BALIK-SHOWBIZ SI SARAH KAHIT SUSTENTADO NAMAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 12, 2023
1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 12, 2023




Gaano kaya ka-true ang nakarating sa aming tsika na kaya raw pala "napilitang" magbitaw ng mga maaanghang na salita si Tita Annabelle Rama hinggil sa hiwalayang Richard Gutierrez-Sarah Lahbati ay dahil nabalitaan na nga rin umano nitong 'back-to-showbiz' na ang huli?

 

Pinag-uusapan na nga at this early ang pagbabalik-TV series ni Sarah via Viva TV's Lumuhod Ka sa Lupa.

 

"Major issue" raw kasi sa mag-asawa ang usaping nabanggit at dahil feeling nga raw ni Tita A na good provider naman ang anak, mukhang insulto umano sa "hardworking son" niya ang noon pa'y tinututulang usaping pagbabalik-showbiz ni Sarah.

 

Ang hindi lang ma-gets ng marami ay kung bakit daw si Tita A ang tila nag-sound-off o nagbo-voice out nito, imbes na hayaan na lang nitong ang mag-asawa ang dapat na mag-solve ng problema nila?

 

Ang siste, mukhang "palaban" din ang pamilya ni Sarah dahil kahit ang ama nito ay sinasabing nagpapahayag na rin ng mga 'cryptic message' tungkol sa isyu.

 

Sa ama nga raw ni Sarah nanggaling ang mga salitang, "Enjoying every moment with family. The convoy keeps going and don't mind dogs barking." 

 

Lumabas nga rin ito after na marinig ng lahat ang naging panayam kay Tita A.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page