RICHARD, MAS ENJOY SA ACTION KESA DRAMA ACTOR

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 27, 2023

Kapamilya pa rin ang The Iron Heart lead star na si Richard Gutierrez dahil muli siyang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN kahapon.
Naging emosyonal si Richard, maging ang mom-manager niyang si Annabelle Rama sa contract signing dahil sa muling tiwalang ibinigay kay Chard ng mga Kapamilya bosses.
Hindi naman kataka-taka na muling pinapirma si Richard ng kontrata dahil super-humahataw sa digital platform ang The Iron Heart, kaya nga kahit super-laki rin ng gastos dito ng network dahil kundi out of town ay out of the country ang taping nila, bawing-bawi naman sa taas ng number of views.
Asked nga namin si Chard kung bakit mas pinili pa rin niyang manatiling Kapamilya, sagot ni Chard, bilib siya sa resiliency ng network sa lahat ng pinagdaanan nito.
At kahit walang franchise ang ABS-CBN, nangunguna pa rin ang mga shows nito kung number of views sa digital platform nga ang pagbabasehan, bukod sa global reach nito, na malaking bagay nga naman para kay Chard sa goal nitong mas maging malawak pa ang reach hindi lang dito kundi globally.
At dahil na-enjoy nga ni Richard ang action series, in-announce na rin nito na after The Iron Heart, isang action series na naman ang next project niya sa first quarter ng 2024.
Wala pang definite story na sinabi si Chard pero for sure, mas level-up daw kesa sa The Iron Heart kaya pinag-iisipan nilang mabuti ang story at concept dahil mahirap nga namang pantayan ang huling serye niya.
Samantala, natanong din siya kung sino pa ang mga gusto niyang makatrabaho sa mga Kapamilya stars at binanggit niya ang names nina Gerald Anderson, Coco Martin (nakasama na niya sa Ang Probinsyano), Jodi Santamaria at Kim Chiu.
Oh, why not? Good idea, 'di ba?





Comments