top of page
Andrea Brillantes - IGjpg.jpg

Rich na raw siya, ‘di na need ng datung… ANDREA, ‘DI YAMAN ANG HABOL SA LALAKI, DIREKSIYON SA BUHAY

Writer: BULGAR
BULGAR
6 hours ago
3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 4, 2026



Andrea Brillantes - IG

Photo: Andrea Brillantes - IG



Hindi impressed ang aktres na si Andrea ‘Blythe’ Brillantes sa mga lalaking mayayaman dahil hindi naman pera ang hinahanap niya kundi ang pagiging masipag at pagkakaroon ng direksiyon sa buhay.


Sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), napag-usapan kung importante ba sa kanya na mayaman ang kanyang boyfriend at kung ano ang opinyon niya tungkol sa cheating o pangangaliwa.


Tanong ng King of Talk na si Boy Abunda, “Importante ba na mayaman ang boyfriend?”

Sagot ni Andrea, “‘Di naman ‘yun ang una kong tinitingnan talaga. Pagkatao po talaga ang una kong nakikita ngayon. Sa totoo lang, ang importante sa ‘kin, masipag, ‘di mayaman. Kasi being in this industry, ang dami kong nakikilala kahit ‘di artista, pero sa mga parties, sa mga events at ang dami ko nang nakakasama.


“Again, I can’t speak for everyone. Sa experience ko, ang dami ko nang nakakasama na mayayaman. Wala pa akong na-meet na mayaman na nakapag-impress sa ‘kin. Ang kailangan ko po ay ‘yung may lalim, sipag na meron kang direksiyon na gustong puntahan.


‘Yung yaman, it doesn’t matter sa ‘kin kasi mayaman na ‘ko, kaya ko naman na. ‘Di naman ako nagde-date para lang yumaman. Kasi I can provide everything that I need. What I need from you is to be a man with direction and drive.” Komento at paglilinaw ni Boy, “‘Yung sinabi mo na mayaman, ‘di tunog mayabang kasi alam namin na ang yaman mo ay pinaghirapan.”


Samantala, napag-usapan din ang pananaw ng aktres tungkol sa cheating o pangangaliwa sa isang relasyon.


Sey ng aktres, “Iba na po talaga ang social media ngayon. Para sa iba, cheating na ang puro like o follow ng mga babae. I know where that is coming from. For me, isa sa mga ginagawang cheating is deleting messages. Kasi bakit ka magde-delete ng message? Bakit mo ‘yun itatago? 


“Cheating is also watching other people, watching porn. For me, that’s cheating kasi ‘di ka dapat tumitingin talaga sa iba lalo na kung may partner ka. That’s really disrespectful and makaka-harm ‘yun sa relationship ng dalawang tao.”

Pak na pak ka r’yan, Blythe. As in, big tumpak!





9 araw naospital… MADIR NI SEN. ROBIN, LIGTAS NA SA PNEUMONIA



NAGBIGAY ng magandang balita ang aktor na si Sen. Robin Padilla tungkol sa kalagayan ng kanyang mother dearest na si Eva Cariño Padilla matapos ang siyam na araw na pagsubok sa ospital.


Aniya, “Alhamdulillah (Salamat sa Allah)! Natapos na ang 9 na araw na pagsubok. Nalampasan ng aking mahal na ina ang pagtutubig ng kanyang baga kasabay ng pneumonia—limang litro ang naalis sa kanya. Sumabay pa ang pag-aalburuto ng kanyang kidney.


“Maraming salamat, Ya Allah! Allahu Akbar! (My God! Allah is the Greatest!)

“Malalim na pagpupugay at pasasalamat sa mga doktor, nurse, staff, orderly, cleaner, at security ng Cardinal Santos Medical Center!”


Isa-isa ring pinasalamatan ni Sen. Robin ang mga doktor at medical staff na tumulong sa kanyang ina.


Hindi rin nakalimutan ng senador na pasalamatan ang kanyang misis na si Mariel Padilla, na naging punong-abala mula sa unang araw hanggang sa huling araw ng kanilang pananatili sa ospital.


Sa huli, nag-iwan siya ng isang panalangin para sa paggaling ng kanyang ina.

Get well soon, Mommy Eva.





MAGKAHALONG kilig at gulatan ang hatid ng tambalang KoVer nina Kolette Madelo at River Joseph sa kanilang vertical serye na Dead Girl Walking (DGW), na mapapanood lahat ng episodes simula Nobyembre 6 (Biyernes) sa iWant.


Ito ang unang vertical serye ng dalawa matapos mapasama sa primetime serye na Blood Vs. Duty.


Mula sa JRB Creative Productions, iikot ang DGW kay Luna (Kolette), isang butihing estudyante na dumaranas din ng pambu-bully sa kanilang eskuwelahan. Magbabago ang takbo ng kanyang buhay dahil sa hindi inaasahang pangyayari.


Makikilala natin si Selene na handang maghiganti sa nagpahirap kay Luna. Magiging katuwang niya sa kanyang mga plano ang campus heartthrob na si Elio (River), na kalauna’y magiging sandigan niya bilang tunay na kaibigan. Habang tinatahak ang kanilang paghahatid ng karma sa mga umapi kay Luna, mauwi kaya ang pagkakaibigan nila sa pag-iibigan?


Makakasama rin nina Kolette at River sina Allyson McBride, Reich Alim, Hannah Vito, Desiree del Valle, at Nikki Valdez, sa direksiyon ni Emerald Silvestre.


Abangan ang Dead Girl Walking ngayong Nobyembre 6 sa iWant. Libre namang mapapanood ang unang limang episodes nito sa TikTok (TT), Facebook (FB), at YouTube (YT) pages ng iWant at ABS-CBN Entertainment.

‘Yun lang, and I thank you.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page