top of page
Andrea Brillantes - IGjpg.jpg

Housemates, ginulat… MARIAN AT DINGDONG, PASOK SA BAHAY NI KUYA

Writer: BULGAR
BULGAR
6 hours ago
3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 4, 2026



Dingdong at Marian sa PBB House - Pinoy Big Brother

Photo: Dingdong at Marian sa PBB House - Pinoy Big Brother



Ginulat nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang mga housemates sa Bahay ni Kuya nang sila ay biglaang dumalaw at nakipag-bonding.


Hinati sa dalawang teams ang mga housemates, Team To Forget at Team To Remember.


Isa-isa silang binigyan ng pagkakataon upang sabihin ang mga bagay na gusto nilang kalimutan at ang mga gusto nilang maalala. 


Napakasaya ng nasabing bonding ng DongYan sa mga housemates ng Pinoy Big Brother Collab 3.0 (PBBC3.0). Hinding-hindi nila malilimutan ang experience na iyon.

Well, ang pinakamasaya sa lahat ay si Mikee Quintos nang magkita sila ni Marian na nakatrabaho niya noon sa Encantadia.


Samantala, nagbigay din ng payo ang mag-asawa sa mga housemates sa Bahay ni Kuya. At siyempre, nag-promote na rin sila ng kanilang movie na Remember.





Ibang-iba na… TOM, BIDA NOON, KONTRABIDA NA NGAYON



MARAMING viewers ang nakapansin na sa guesting ni Tom Rodriguez sa The Master Cutter (TMC) ay may kakaiba siyang transformation ng character.


Hindi na siya ang Tom na pang-rom-com at seryosong dramatic actor. May pagka-offbeat na ang kanyang role at pabagu-bago ang kilos at moods.


Sa istorya niya sa TMC, dati siyang BFF ni Natoy (Dingdong Dantes) at matagal silang nagkahiwalay.


Nang muli silang nagkita ay may pagbabago sa personalidad ni Tom (Oscar), kaya nag-aalala ang mga viewers kung ano ang puwedeng gawin nito sa pamilya ni Natoy.


Well, kaya namang gampanan ni Tom ang intense na character na ibinibigay sa kanya. Kaya niyang sabayan kahit sinong veteran stars.





Nasimulan na ang shooting ng biopic ng nasawing Ateneo de Manila University (ADMU) student-athlete na si Rene Baterbonia sa direksiyon ni BB Gandanghari. Mismong sa bayan ng Talacogon, Agusan del Sur kinunan ang maraming eksena.


Ganunpaman, hanggang ngayon ay hindi pa inilalantad ni Direk BB kung sino’ng aktor ang napili nilang gumanap na Rene.


May ilang netizens ang nagsasabi na si Donny Pangilinan ang perfect choice para sa role, pero may ilang nagsasabi na baka si Gerald Anderson ang kinuha. 


Recently, may post kasi ang aktor sa social media kung saan nag-aanyaya siyang panoorin ang pelikulang tumatalakay sa buhay ni Rene.


Bukod sa role ng student-athlete, hindi rin kumpirmado kung sino ang gaganap sa role ng nanay nito na si Rovelyn Baterbonia. 


Sa unang press release ay si Dimples Romana raw ang gaganap.


Nagtataka naman ang lahat kung bakit kailangang ilihim pa sa publiko ang cast ng Rene Baterbonia movie. Paano magkakaroon ng publicity ang pelikula kung hindi mag-iingay ang production nito?


For sure, hindi naman isasama ni Direk BB ang anumang kontrobersiyang sangkot ang ADMU tungkol sa pagkalunod ni Rene. Magiging maingat ito sa ganitong aspeto.





ANG bongga-bongga naman ng action seryeng Taskforce Firewall (TF) dahil extended ito hanggang 2027. Kaya naman, sobrang saya at excited ang buong cast dahil may trabaho sila hanggang next year.


Kung ang The Master Cutter ay may Season 2 at patuloy na napapanood sa primetime slot ng GMA-7, ang TF naman ay ieere hanggang early 2027.


May mga bagong twists na mangyayari sa istorya at may mga bagong characters ding papasok.


Swak na swak ang cast ng TF dahil nagkakatulungan silang lahat para mas gumanda pa ang serye.

Proud na proud din sina Kylie Padilla, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Jak Roberto, Buboy Villar, atbp. dahil gabi-gabi silang pinapanood.


Markado rin ang role ni Rhian Ramos at ganu’n din ni Luis Hontiveros, na gumaganap na Martin, asawa ni Isa (Kylie).


Ang tagumpay ng TF ay tagumpay ng buong cast at mga staff.

Inaabangan na rin ng mga viewers ang pagpasok ng characters nina Mike Tan, Joem Bascon, Matt Evans at Zeppi Borromeo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page