Rich kid na raw ang datingan.... JOSHUA, TODO-FLEX SA GF NA FRENCH-PINAY ATHLETE
- BULGAR
- Jul 28, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | July 28, 2023

Panay na ang flex ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia ng mga larawan ng sinasabing bago niyang girlfriend na si Emilienne Vigier na isang French-Filipina athlete.
Sa kani-kanyang Instagram account, may post ang dalawa kung saan makikitang magkapareho ang kanilang suot.
Kinilig ang isang fan. Aniya, “Nakaka-miss ma-in love, enjoy while it lasts — from aburido sa asawa.”
Pero, may ilan namang inalmahan ang tila ginagawang pag-flex ng Kapamilya aktor sa kanyang bagong lady love.
“Oo, pero ‘yung hindi ganyan na papansin katulad ni Joshua. Left and right ba naman ang pag-name drop sa mga girls para sa clout.”
“Naku, ganyan na naman si Joshua. Mamaya, waley na sila… as a fan, parang a little turn-off ‘yan.
“Find him overrated. Pero binata naman, let him enjoy his life and bachelorhood. Para ‘pag nag-asawa, pirmi na sa isa.”
“Kung sinu-sino na lang ang, nali-link dito. Nakaka-turn-off.”





Comments