Rich businessman-singer, after sabihang kani-kanya na sila… MARK AT JOJO, MAGKASAMA NA NAMAN DAW SA BATANGAS
- BULGAR

- 3 hours ago
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 21, 2025

Photo: File / FB Jojo Mendrez & Mark Herras
May nagsi-circulate na raw na director's cut ng music video ni Jojo Mendrez para sa kanyang bagong Christmas song na Ngayong Pasko'y Ikaw Pa Rin.
Mukhang may nag-leak ng copy ng music video dahil mismong ang Star Records kung saan contract star si Jojo at maging ang mismong singer-rich businessman ay wala pang inilalabas na official copy ng music video ng kanyang Christmas song.
Inaabangan ngayon ng mga Marites at mga fans ni Mark Herras kung totoo ang
balitang “together again” sila ng minsan nang na-link sa kanyang super rich-businessman na si Jojo Mendrez dahil may nakapagtsikang nakita raw kamakailan si Mark sa Batangas kung saan nag-shoot at kinunan ang MV ni Jojo sa isang luxury resort doon.
May nagtsika ring kasama raw si Mark sa naturang music video.
Kaya ang ipinagtataka ng ilang showbiz insiders, akala raw ba nila ay “kani-kanya” o “friendship over” na sina Jojo Mendrez at Mark Herras, eh, bakit may ganitong issue ngayon na spotted daw silang magkasama?
Pero kung true nga na kasama si Mark sa Ngayong Pasko'y Ikaw Pa Rin music video, ano kaya ang nangyari at paano kaya sila na-reconnect ni Jojo gayung ang aktor-dancer mismo ang nagsabi sa last interview nito na mas okay na kani-kanya na sila at mas mabuting wala na rin silang koneksiyon sa isa't isa?
Hmmm… Another gimik na naman kaya ‘to?
Well, if yes, at least nakakatulong para pag-usapan at abangan ang music video ng Ngayong Pasko'y Ikaw Pa Rin ni Jojo Mendrez.
For sure, gustong malaman ng mga Marites kung back in each other's arms sina Jojo at Mark.
For now, ‘yung mismong Christmas song pa lang ni Jojo Mendrez ang available sa lahat ng music digital platform.
Name, ayaw pang ibulgar, pero…
CARLA, GAME BITBITIN ANG BF NA DOKTOR SA PREMIERE NIGHT NG SRR
NILINAW ni Carla Abellana nang eksklusibo naming makapanayam after ng ginanap na grand mediacon ng MMFF 2025 entry ng Regal Films na Shake, Rattle and Roll: Evil Origins na hindi pa rin masasabing “very open” na siya ngayon sa kanyang love life matapos nga niyang i-post ang photo ng doktor na rumored boyfriend o fiancé na nga raw niya.
Ani Carla, “Well, I wouldn't say naman very open kasi it's not like I've revealed the person, a name or anything. Nasa sa akin pa rin naman po kung ano ‘yung ilalabas ko in public. So depende pa rin po kung gaano ako ka-comfortable and siya ka-comfortable kung ano ang ilalabas ko.”
Tinanong namin si Carla about sa reaction ng guy nang mai-post na niya ang picture nito sa social media at aniya, wala raw itong alam dahil hindi naman ito ma-showbiz na tao. Tahimik lang daw ang nagpapasaya sa kanyang puso ngayon kaya inirerespeto niya ito at kailangan din niyang maprotektahan.
When asked kung isasama ba niya ang rumored BF na doctor sa premiere night ng SRR: Evil Origins kung saan siya ang bida sa first episode na 1775, super sweet ang smile ni Carla at ang sagot, “Tingnan natin, yes, kung ‘di siya busy.”
Wow! Abangan!!!
SINETCH ITECH: Kahit ‘di siya inaaming GF…
SEKSING AKTRES-TV HOST, SA BAHAY NA NG KA-LOVE TEAM NA AKTOR NAKATIRA
BLIND ITEM:
AWANG-AWA ang mga friends ni seksing actress-TV host sa kanyang sitwasyon ngayon dahil sa kabila ng magandang takbo ng kanyang career, may mabigat naman itong pinagdaraanan sa kanyang personal life.
Few months ago kasi ay nakaalitan ng aktres-TV host ang kanyang pamilya dahil sa P20 M na nawawala sa kanyang kaban.
Masamang-masama ang loob ng aktres-TV host kaya umalis siya sa kanilang bahay at isinara diumano ito para hindi na rin makapunta roon ang kanyang mga kapamilya na nagtraydor at nanakit sa kanya.
Ang siste, sa bahay ng kanyang ka-love team at rumored boyfriend na aktor nakitira ang aktres at balitang nagsasama na nga raw sila ngayon.
Kaya lang, ang masakit para sa mga friends ng aktres, hindi naman siya inaaming karelasyon ng aktor na mukhang ang showbiz career lang ang priority at personal interest lang ang pinoprotektahan.
Kaya ang wish ng mga BFF ng aktres, magising na ito sa katotohanan at mas mahalin ang sarili kesa ang ibang tao lalo't wala na rin siyang pamilyang maaasahang maging kakampi ngayon.
Hay! Parang gusto naming yakapin nang mahigpit at damayan ang aktres sa kanyang mabigat na dinadala ngayon.








Comments