RICCI, NEVER NANG BABALIKAN SI ANDREA
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 29, 2023

Hoping si Ricci Rivero na hindi magagalit sa kanya si Andrea Brillantes sa pagpapaunlak niya ng panayam sa programa ni King of Talk Boy Abunda na Fast Talk with Boy Abunda.
May usapan daw kasi sila ng ex-girlfriend na hindi sila magsasalita, pero kinailangan niya raw gawin ito upang protektahan ang kanyang pamilya na nadadamay na sa issue.
Naikuwento nga niya na kamakailan ay namamasyal sa mall ang kanyang mga magulang at may ilang tao na lumapit sa mga ito at sinabihan sila na, “Cheater ang anak n’yo.”
Aniya, kung siya lang ang iba-bash ay kaya niya dahil sanay na sanay na raw siya, pero ibang usapan na raw kapag nadadamay na ang kanyang pamilya.
“Maayos kaming nag-uusap (ni Andrea). Maayos ko ring sinasabi sa kanya na parang ‘Wait lang, bugbog na ako, eh, ‘di ba? Ikaw, hindi ka nagsasalita kasi lahat ng sympathy, nasa iyo, eh. Okay lang, naiintindihan ko, hindi ganu’n kahirap. Pero ‘yung sa ‘kin, bugbog na ako, eh,’” sabi ni Ricci sa Fast Talk with Boy Abunda.
Ayon pa sa basketball player, sobrang maayos daw ang naging breakup nila at hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin sila.
When asked kung sinubukan ba niyang makipagbalikan kay Andrea, ang sagot ni Ricci, “No. Kasi siguro for the longest time, I was trying to...‘yun nga, to not give up on the relationship. And sabi ko, for me to give up, siguro, sobrang puno na.”
Natanong din ang basketball player kung ano sa tingin niya ang magiging reaction ni Andrea after watching the said interview.
“Knowing her, Tito Boy, malulungkot,” ani Ricci.
“I’m hoping na hindi siya magalit, kasi Tito Boy, I’m just stating naman ‘yung side ko na…
‘yung totoong nangyari sa side ko,” dagdag pa niya.
Sa tanong na, “Is this relationship over?” sagot ni Ricci, “For now, yes.”
Matapos kumalat sa social media, naitanong din kung nag-cheat ba siya kay Andrea.
Sagot ng basketbolista, “No, Tito, Boy.”





Comments