top of page
Search
  • BULGAR

Rhys Miguel, kumanta sa harassment sa taping… ABS-CBN, KINALAMPAG SA ISYUNG PANGRE-RAPE NI PATRICK

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 14, 2022


Matindi at nakakawindang ang mga akusasyon ng isa sa mga naging artista ng Kapamilya digital series na He's Into Her na si Rhys Miguel laban sa dating co-star niyang si Patrick Quiroz.


Last Oct. 11, nag-viral sa social media ang Instagram live ni Rhys kung saan inaakusahan niya si Patrick na nambabastos ng mga babaeng dating kasamahan nila sa show at tinawag din niya itong 'rapist'.


Isa-isang ikinuwento ng ex-PBB housemate ang mga kahalayang diumano'y ginawa ni Patrick kung saan pati umano siya ay biniktima nito.


Ayon kay Rhys, nagkasama sila ni Patrick sa locked-in taping ng isang series na bagama't hindi niya pinangalanan ay madali namang mahanap sa Google.


Nagkasama raw silang matulog sa isang room.


Part ng kanyang akusasyon-rebelasyon: "I woke up in the morning… malambot ‘yung hotdog ko.


Dyinady*k*l niya ‘yung malambot na hotdog ko. Kini-kiss-kiss niya ako. Nu'ng nagising ako, [hinabol] ko siya."


May sinabi rin si Rhys na nakita niyang mga used tissue sa gilid ng kanyang bed na ginamit ni Patrick sa diumano'y pag-cum nito at bilang ebidensiya ay itinago nga raw niya 'yun sa isang plastic.


Sinabi rin ni Rhys na tatlong araw bago ang insidenteng 'yun, may ginawa rin si Patrick sa dalawang talents nila, pero ang naging desisyon daw ng management, instead gawan ng aksiyon ay pinanatili pa rin ang co-actor niya sa series dahil kulang na sila sa oras ng taping.


Bukod pa sa mga insidenteng 'yan, may rebelasyon din si Rhys na diumano, ni-rape ni Patrick Quiroz ang dating ka-love team nito sa show.


Again, hindi pinangalanan ng aktor kung sino ang tinutukoy niyang aktres pero dahil marami ang nakakaalam na si Vivoree Esclito ang kapareha ni Patrick Quiroz sa He's Into Her, may mga nagbanggit na sa pangalan ni Vivoree sa kanilang mga posts sa Twitter.


Tulad na lang ng tweet ng isang Twitter user na may handle name na Mosang @chismosaupdate, "When Rhys said, 'He [Patrick Quiroz] rape his ka-love team sa series [He's Into Her]'...we all know who is Patrick LT and it's Vivoree. I can't imagine the trauma."


May mga nag-reply sa tweet ni Mosang at um-agree na si Vivoree nga ang dating ka-love team ni Patrick.


Tsinek namin ang FB account ni Vivoree at may ilang netizens na rin ang nagta-tag sa kanya ng issue, pero wala pa kaming nababasang sagot o statement ng aktres-singer.


Samantala, naglabas naman ng official statement ang ABS-CBN Film Productions Inc. bilang pagbibigay ng kanilang panig sa naging aksiyon nila sa mga ibinulgar ni Rhys na diumano'y pangha-harass sa kanya at sa iba pang talents ng network ni Patrick Quiroz.


Ang nilalaman ng statement…


“Contrary to the claims made by Rhys Miguel on 11 October 2022, ABS-CBN Film Productions Inc. immediately conducted an investigation upon receiving his complaint in December 2020 and swiftly took appropriate action to protect the rights of everyone involved.


"AFPI takes these matters seriously. The safety, dignity, and privacy of our people are our utmost priority.”


Sa kabila nito, mukhang hindi pa kuntento ang ilang netizens at kinakalampag ngayon ang ABS-CBN na gawan ng mas malalim na aksiyon ang ginawang kahalayan diumano ni Patrick Quiroz, bagama't sa ngayon ay wala na sa Kapamilya Network ang binata at lumipat na sa GMA-7.


Pati tuloy ang Kapuso Network, sinisilipan ng butas ng ilang netizens kung bakit tinanggap daw ang dating Kapamilya actor nang hindi inaalam ang background nito.


May mga nagsasabi naman kay Rhys na imbes idaan sa social media ang kanyang mga akusasyon ay magsampa na lang ito ng kaso laban kay Patrick Quiroz.


Ang kampo naman ni Vivoree Esclito ay tahimik pa habang isinusulat namin ang kolum na ito, pero bukas kami para sa kanyang panig anumang oras.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page