RHIAN, NIREGALUHAN NG BF NA SI SAM VERZOSA NG BAGONG HOUSE AND LOT
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 12, 2022

Hindi na nga itinatago ng Kapuso actress na si Rhian Ramos ang relasyon nila ng businessman na si Sam Verzosa (SV) na isa sa mga big boss ng Frontrow.
Naging magkaibigan at magkasosyo si Sam at ang actor-producer-businessman na si RS Francisco.
Sanay sa hirap si Sam at maraming hirap ang kanyang pinagdaanan bago nagtagumpay sa negosyo.
Maraming taon ang ginugol niya upang mapag-aralan ang pagpapalago sa Frontrow.
Noong Gala Night ng GMA ay magkasama sila ni Rhian Ramos na dumalo. ‘Yun ang naging kumpirmasyon ng kanilang relasyon na matagal nang nababalita.
Naging kaibigan din ni Willie Revillame si Sam Verzosa dahil naging major sponsor ng Wowowin ang Frontrow. Super generous itong si Sam dahil niregaluhan niya ng mamahaling wristwatch si Willie na milyones ang halaga.
At ngayon, isang brand new house naman ang regalo niya sa GF na si Rhian Ramos.
Wish ng malalapit na kaibigan ni Rhian ay maging maligaya na ang aktres sa kanyang love life. Ilang beses na rin itong nabigo sa kanyang mga unang nakarelasyon.





Comments