RHIAN, MICHELLE AT SAM, ‘DI PA LUSOT SA PATUNG-PATONG NA KASO, DRIVER AAPELA

ni Vinia Vivar @Frankly| September 17, 2026

Photo: Rhian Ramos, Michelle Dee at Sam Panlilio - IG
Hindi pa nagsi-sink in kay Rhian Ramos ang pagkakapanalo niya at ng mga kaibigang sina Michelle Dee at Samantha Panlilio sa mga kasong isinampa laban sa kanila ng dating driver niya na si Bonifacio ‘Totoy’ Baro.
Matatandaang naging kontrobersiyal ang nasabing kaso against Rhian’s former driver nang magsampa ito ng slight illegal detention, slight physical injuries, maltreatment and unlawful arrest laban sa tatlo noong nakaraang Enero, 2026.
Nitong nakaraang September 14 (Monday) ay lumabas na ang resolusyon ng Office of the City Prosecutor of Makati na nagsasaad na idini-dismiss na ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensiya.
Nang makausap namin si Rhian sa mediacon last Tuesday para sa upcoming RMA Studio Academy’s grand annual concert titled Destination: World Stage ay nahingan namin siya ng reaksiyon tungkol dito.
Ayon sa aktres, nalaman din daw niya ang balita last Monday habang nasa taping siya kaya hindi pa raw siya nagkakaroon ng oras para isipin ito.
“You know what, I found out yesterday at the same time as everyone else, so I didn’t have any advance knowledge or whatever. I was having a taping, it was my first day there and I really did not have time to process what’s happening,” aniya.
“And then, today, when I woke up, I had to go here (RMA Studio Academy mediacon), so, I think, it’s just going to sink in pa lang tonight,” dagdag niya.
Hindi pa rin sila nagkakausap ni Michelle tungkol dito.
“‘Di nga, eh. Actually, I’ve been wanting to. Because I was also just caught by surprise today, so I’ve been wanting to, but yeah, we’re just really busy,” sey ng aktres.
When asked kung ano ang reaction niya sa balitang maghahain ng Motion for Reconsideration ang dati niyang driver, ayon kay Rhian ay wala pa rin siyang alam tungkol dito.
“I just know just as much as anyone else lang. I only know what I’m reading online and I don’t know also how accurate everything is. I always have to guard myself with how accurate everything is, so I think I’m gonna have a conversation pa about it before I answer that,” pahayag ni Rhian.
Samantala, Rhian has been a student of RMA Studio Academy for years now at lagi niyang sinusuportahan ang taunang concert ng nasabing akademya.
Pangatlong concert na niya ito with RMA at sey niya, “I love being with RMA and supporting also everything that they do kasi nga they really make a safe space for people to express themselves through music. So I’m very lucky to be friends with these people, I’m very lucky that they help me out if ever I have a live performance, they train me before it also, so yeah, I’m looking forward to this year.”
Isa si Rhian sa mga featured performers sa RMA Studio Academy’s upcoming grand annual concert scheduled on November 5 at the Proscenium Theater in Makati City.
NAGBABALIK ang minamahal na boses ni Gary Valenciano sa isang Coco Martin series dahil si Mr. Pure Energy ang kumanta ng bagong theme song ng Kapamilya teleseryeng Coco Martin’s Sigabo.
Pagkatapos maging parte ang kanyang mga kanta sa FPJ’s Ang Probinsyano at FPJ’s Batang Quiapo, inawit naman ngayon ni Gary V. ang bersiyon ng makabagbag-damdaming Kung Kailangan Mo Ako, na magbibigay ng bagong kulay sa landas na tatahakin ni Gabo (Coco) sa serye.
Sinisimbolo ng kanta ang bagong pananaw sa buhay ni Gabo dahil sa labis na pag-aalala at pag-aalaga para sa kanya ni Sam (Julia Montes), na hindi niya kinasanayan dahil noon pa ay sanay siyang humarap sa mga laban at pagsubok nang mag-isa.
Sa patuloy na pagpapanggap nina Gabo at Sam bilang mag-asawa, tuluyan na bang mauuwi sa tunay na pag-iibigan ang mga pusong nagkukunwari?
Huwag palampasin ang aksiyon, drama, at kilig sa Coco Martin’s Sigabo mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB), at iWant. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.





Comments