top of page
WINNER - SUGAR, KINUMPIRMANG HINANAP NI MOND SI HEART SA PARTY, MGA GUESTS NAGTAWANAN DAHI

Galit na galit sa owner ng pet crematorium na nagtapon sa 29 aso at pusa… “THE FACES OF EVIL. MAY YOU BOTH ROT IN HELL” — CARLA

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | November 3, 2026



BIDA - “THE FACES OF EVIL. MAY YOU BOTH ROT IN HELL” - CARLA_FB Carla Abellana

Photo: FB Carla Abellana



Isa pa sa nagalit sa kinahinatnan ng 29 dogs na itinapon ay ang aktres na si Carla Abellana, isang certified animal lover na may mga alagang fur babies. Ini-repost niya ang post ng isang fur parent na ipinakita ang mga owner ng pet crematorium.


Sabi sa post, “Remember these faces. Sila ang may-ari ng AhJay Paws Aftercare Pet Crematorium. The faces of evil. May you both rot in hell, isama pa lahat ng pinapakain ninyong mga kapamilya na nakikinabang sa kahayupan n’yo...”


Sa Facebook (FB), madalas mag-post si Carla tungkol sa kanyang fur babies. Tumutulong din siyang mag-post tungkol sa mga nawawalang aso at sa panawagan ng mga nagre-rescue ng dogs and cats na nangangailangan ng pet food.


Tumutulong din si Carla financially sa mga fur babies na dinadala sa vet para sa checkup at operasyon. Nagiging foster fur parent din siya at nag-aalaga ng dogs hanggang sa may mag-adopt sa kanila.


Ganyan kamahal ng aktres ang mga aso kaya nagalit siya sa ginawa ng mga owner ng pet crematorium. Sana nga ay maparusahan sila nang naaayon sa ginawa nila sa mga aso’t pusa.





CERTIFIED hit ang showing ng Pee Mak (Philippine adaptation) dahil sa loob ng 19 days, umabot na sa P100 milyon ang total gross nito. Extended ang Viva Films movie at patuloy na pinapanood, kaya by now, nadagdagan na ang kita nito.


Makakadagdag din sa gross ng movie ang pagkakaroon nito ng international screenings sa 8 malls sa United Arab Emirates (UAE) at sa 3 malls sa Qatar. May screenings din sa 5 malls sa Los Angeles, California, at 5 malls sa San Francisco, California, gayundin sa Washington, D.C., Guam, at Phoenix.


Tinupad ng mga fans nina Wilbert Ross at Bea Binene ang ipinangako nilang gagawin nilang box office ang Pee Mak, kaya malaki ang pasasalamat ng magka-love team sa kanilang mga fans.


Kinongratyuleyt din nina Bea at Wilbert ang isa’t isa. Binati rin nila ang mga directors na sina Kip Oebanda at Mikhail Red. 


Dahil dito, nangangamoy na may follow-up film para kina Bea at Wilbert.





MAY mga kinilig sa latest Instagram (IG) Story post ni Ellen Adarna na makikita si John Lloyd Cruz (JLC) na nasa bahay niya at nakikipaglaro sa anak nina Ellen at Derek Ramsay na si Lily. Makikita rin ang anak niya na si Elias.


May part pa ng video clip na inayos ni John Lloyd ang shoes ni Ellen. May overlay text ito na, “1 year na ‘di ko magsuot dahil sa sintas. Hahaha! Buti fashionista ‘yung co-parent.”


Co-parenting ang set-up nina JLC at Ellen sa anak nilang si Elias, at hindi mapigilang pati si Lily ay makita at maka-bonding ng aktor. Marami tuloy ang kinikilig sa kanilang dalawa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page