‘Di raw naghahanap, kusang darating… LEA, GAME PA RING MAGKADYOWA AFTER MAHIWALAY SA MISTER

ni Beth Gelena @Bulgary | November 3, 2026

Photo: IG _msleasalonga
Hindi isinasara ni Lea Salonga ang posibilidad na muling umibig, pero malinaw na hindi ito ang prayoridad niya sa ngayon.
Mas pinipili ng Broadway star na pagtuunan ng pansin ang sarili, anak, trabaho at mga taong nagbibigay-kahulugan sa kanyang buhay.
Sa panayam niya sa ANC’s Beyond The Exchange, diretsahang tinanong si Lea kung bukas pa ba siyang magkaroon ng bagong pag-ibig kasunod ng hiwalayan nila ng kanyang matagal nang asawa na si Robert Chien.
“It’s not something that I am actively building a life towards,” paglilinaw ng singer-actress.
Sa halip na gawing sentro ng buhay ang paghahanap ng mapapangasawa o bagong karelasyon, ibinahagi ni Lea ang isang payo na nakita niya sa internet at lubos niyang nagustuhan.
“And I think this is the piece of advice I would give to any young person and it’s a piece of advice that I saw on the internet and I loved the way this was phrased... Build your life as if you are not getting married, where you prioritize yourself, where you love yourself, where you fall in love with yourself, and create a beautiful life,” aniya.
“It’s like, when you build a garden and make it beautiful, that’s when the butterflies come. Don’t chase the butterflies. Attract them to your garden. So I like that piece of advice. So create your life and if you meet somebody who makes your life even better, then that is when you can consider. But it is not something I am actively looking for,” paliwanag niya.
Hindi rin inaasahan ni Lea na manghihimasok ang kanyang mga kaibigan para ihanap siya ng bagong makakarelasyon.
“They won’t. I know my friends way too well. For them, it’s kung saan ka masaya, du’n ka dapat,” sagot niya nang tanungin kung posibleng i-set-up siya ng date ng kanyang mga kaibigan.
Dagdag pa ng Broadway actress-singer, marami na siyang dahilan para maging kuntento sa kanyang buhay.
“I have a life that is incredibly fulfilling, professionally. As far as my personal life goes, my attention is to my son, and to my friends, and my home, and you know there’s a lot of work on my plate,” pahayag niya.
Noong Enero, 2026, ibinulgar ni Lea na nagkahiwalay na sila ng kanyang asawa at ama ng kanyang nag-iisang anak na si Nic Chien.
Anak na si Donny, pinagpantasyahan…
ANTHONY, PUMALAG SA INTERBYU NI VICE GANDA KAY JUBY NG BABY DOLLS
HINDI pinalagpas ng ilang netizens ang naging reaksiyon ni Anthony Pangilinan sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng anak niyang si Donny Pangilinan.
Na-bash kasi nang malala ang Baby Dolls member na si Juby Sabino dahil sinabi nito sa isang episode ng Gandang Gabi Vice (GGV) na napanaginipan niyang ka-sex niya si Donny.
May mga nagtatanong kung bakit pa ito kailangang patulan, habang mayroon namang dumepensa kay Anthony at nagsabing natural lamang na magsalita ang isang ama kapag nadadamay ang anak.
May isang netizen pa ngang nagbiro ng “Okey na, Daddy, ‘wag na makisawsaw. Joke!” na sinagot naman ng isa pang commenter ng “At ‘yung tatay pa talaga ang sasabihan mong nakikisawsaw?”
May mga nagduda rin sa timing ng pag-usbong ng kontrobersiya.
Ayon sa isang commenter, tatlong linggo na raw bago umere ang episode ay naikuwento na ni Vice Ganda ang tungkol sa taping, kaya nagtaka ito kung bakit ‘di na lamang in-edit ang naturang bahagi.
Tanong pa ng iba, bakit daw tila nahuli ang reaksiyon at pinatatagal pa ang usapin? Para raw ba patuloy na mapag-usapan si Donny?
Hindi rin nakaligtas sa puna ang umano’y pagtatanggol sa pag-o-overshare ni Baby Dolls Juby, habang may nagtanong kung hindi raw ba maaaring punahin si Vice Ganda dahil kaibigan ito ng anak ni Anthony.
May nagsasabi namang sobra lang daw ang reaksiyon sa isang panaginip dahil may concert ang Baby Dolls at ginamit daw si Juby para mapag-usapan ang Baby Dolls at Donny’s expense.
Iginiit ng ama ni Donny na maaari raw sanang naging mas responsable at sensitibo ang paghawak sa naturang komento, kabilang ang mga sumunod na tanong ni Vice na “Natapos ba?” at maging ang pag-e-edit sa episode.
Sa kabila nito, itinuring niya ang pangyayari bilang isang learning experience para sa lahat ng taong nasangkot sa kontrobersiya.





Comments