RHIAN, IDINISPLEY NA ANG BIGTIME BUSINESSMAN BF NA SI SAM VERZOSA
ni Nitz Miralles - @Bida | August 2, 2022

Naging daan ang GMA Thanksgiving Gala para sa relationship reveal nina Rhian Ramos at Sam Verzosa na magka-date sa nasabing okasyon. First time nilang nakunan ng litrato na magkasama dahil dati, kahit magkasama sila sa iisang lugar, wala silang inire-release na picture na magkasama.
Kahit nga nang magbakasyon sila sa Paris, wala silang litrato na ipinost na magkasama at kung hindi solo si Rhian, ang mga kasama nila sa Paris ang ka-selfie niya.
Malalaman lang na magkasama sila ni Sam dahil sa solo pictures nila, iisa ang background.
Sa GMA Thanksgiving Gala, hindi lang basta ipinost ni Rhian na magkasama sila ni Sam, may picture rin na magkasama sila nina RS Francisco, business partner ni Sam sa Frontrow Philippines, Michelle Dee, at Marco Gumabao.
Sa isang picture, makikitang magka-holding hands sina Rhian at Sam. Siguro naman, masusundan pa ang pagpo-post ni Rhian ng photos nila ng boyfriend.
Big time businessman itong si Sam, top CEO at business mogul ang tawag sa kanya dahil bukod sa Frontrow, owner din siya ng Modena Motorsports na distributors ng Ferrari at Maserati sa bansa.
Siya raw ang president ng Maserati Philippines.
Si Rhian ang napiling Frontrow Female Icon at wala naman sigurong kinalaman si Sam doon dahil may mga judges na pumili ng winners.
Anyway, kundi kami nagkakamali, sa Wowowin ni Willie Revillame unang nagkakilala sina Rhian at Sam. Guest co-host ni Willie si Rhian noon at bumisita naman sa TV host si Sam. Nagkagustuhan at nagka-inlaban ang dalawa!





Comments