RHIAN AT BF NA BUSINESSMAN-POLITICIAN, TODO-BAKASYON SA EUROPE
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 6, 2022

Nagtapos na ang afternoon soap na Artikulo 247 na pinagbidahan ni Rhian Ramos kasama sina Kris Bernal, Mark Herras at Benjamin Alves, kaya nagkaroon ng panahon si Rhian na magbakasyon sa Europe kasama si Michelle Dee at ang rumored BF niyang rich businessman-politician na si Sam Versoza.
Si Sam ay CEO ng Frontrow at ngayon ay congressman na dahil nanalo ang Wowowin Partylist na siya ang main nominee.
Dati nang nali-link sina Rhian at Sam, pero wala pa silang official na pag-amin sa kanilang relasyon.
Two years din na loveless si Rhian. Ang huling boyfriend niya ay ang Israeli businessman na si Amit Borsok. Nag-break sila noong 2020 nu’ng kainitan ng COVID pandemic.
Madalas na naiimbita si Rhian ni Willie Revillame upang maging co-host niya sa Wowowin. Dito sila nagkakilala ni Sam Versoza dahil major sponsor ng show ang Frontrow.
Wish ng mga kaibigan ni Rhian Ramos na si Sam V. na ang kanyang “the one”.





Comments