Reyes, dagdag sa Speed Hitters, Gumabao, out muna sa PVL
ni MC - @Sports | January 21, 2022

Panghuling lumagda para sa team ng PLDT Home Fibr si Mika Reyes. Matapos digahan ito mula sa kanyang kampo, nagpasya na ang middle blocker na lumahok na sa High Speed Hitters para sa nalalapit na season ng Premier Volleyball League (PVL).
"Unang-una, siyempre malaking factor 'yung team composition kasi PLDT was looking for middles," ani Reyes hinggil sa kanyang naging desisyon.
Makakasamang muli ni Reyes sa paglalaro para sa PLDT si Rhea Dimaculangan, kung saan nakapagwagi siya ng tatlong kampeonato mula noong Petron days mula 2017-19 sa Philippine Superliga.Bilang dagdag, makakakampi niya sina dating Sta. Lucia players Dell Palomata at Jovie Prado.
"Maganda ring time ito compared to time namin before. This time, may mashe-share na kami sa isa't isa ni Ate Rhea. Iba na rin 'yung level ng paglalaro namin ngayon. After three years, magkakasama na kami muli at mas madami na na-experience namin now," ani Reyes.
Excited din si Reyes sa bago nilang head coach na si George Pascua, na nakita na niya noon sa PSL. "To be honest, never ko pa siya nakasama," ani Reyes. "Magandang experience ito for me to adjust sa system niya. Especially now na target is next month mag-start, kailangan mag-adapt ako kagad sa system niya."
Ang iba pang makakasama niya sa team ay sina Kath Arado, Jessey De Leon, Mean Mendrez, Wendy Semana, Fiola Ceballos, at Lhara Clavano. Bukod kay Dimaculangan, napanatili sa team sina Chin Basas, Eli Soyud, at Nieza Viray.
Tumapos ang PLDT sa 7th place noong 2021 PVL Open Conference at inaasahan ang magandang laro ng team dahil sa pagkakaroon ng ilang high-profile free agents player.
Samantala, hindi masisilayan si veteran opposite hitter Michele Gumabao sa Creamline Cool Smashers sa nalalapit na PVL.
Ito ay dahil nakapokus siya ngayon sa pangangampanya sa House of Representatives .
Si Gumabao, 29, ay bahagi ng Mothers For Change party-list.
"As of now po, naka-leave of absence indefinitely po ako," saad ni Gumabao sa ONE PH "Wag Po." "Pero I'm still with Creamline," tiniyak niya.
Lumahok si Gumabao sa Cool Smashers noong 2018 at mula roon ay nakapagwagi ng tatlong kampeonato sa team. Nagtapos siya ng runners-up sa 2021 PVL Open Conference, natalo sa Jaja Santiago-led Chery Tiggo sa tatlong games.





Comments